Chapter: Ten“Malakas ang impact nang pagkakatama ng ulo niya kaya marami ang nawalang dugo. Sa ngayon, misis, hindi pa ako nakakasiguro kung kailan magigising ang anak niyo. Pero, we’re hoping for her recovery kaagad.” Iyon ang sinabi ng doctor sa amin isang linggo na ang nakalipas. Oo at isang linggo na mula noong nangyari ang panaginip ko. Isang linggo na ring hindi nagigising si Yana. And it scared me. Kahit pa hindi kami gaano close ni Yana ay sobra ang takot ko. Napakarami kong ‘what ifs’, paano kung sinabi ko sa kaniya ang nakita ko sa panaginip ko? Paano kung sumabay na lang ako umuwi sa kaniya noong araw na iyon? Paano kung hindi lang siya ang naaksidente at may nadamay pang iba? Si Andra, si kuya Ando, paano na lang kung tatlong buhay ang napahamak dahil sa akin? “Ano ka ba, dai? Isang linggo ka na riyang laging tulala? Gagaling ‘yon si Kaeyshaena dahil masamang damo ‘yon!” Tumawa ang dalawa ngunit mas lalong nagdulot iyon sa akin ng pagkaka-guilty. Mas lalo kong sinisi ang sarili ko s
Last Updated: 2021-11-05
Chapter: Nine“Eyshen, anong oras ka uuwi mamaya?” tanong sa akin ni Tita nang makababa ako ng kwarto. Ilang araw na mula noong nagkaroon ako ng panaginip. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa trabaho dahil takot akong kapag nagtrabaho ako ay mangyari nga iyong nakita kong memorya sa panaginip ko. It scared me so bad. Everything is scaring me for the past few days. Isa na roon ang USB na pinadala rito sa bahay. Hanggang ngayon ay nagmamasid ako kung sino ang posibleng magdala noon sa bahay namin. Napagtanto ko rin na ang box na pinaglagyan ng USB na iyon ay plain lang. Ibig sabihin ay ang nagpadala noon ay hindi nagtatrabaho sa kahit anong delivery company. Box lang iyon na nakatape at mayroong pangalan ko. Kaya naman sino ang posibleng magbigay noon sa akin. Wala nang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga pumatay sa magulang ko. I was sure that they wanted something from me. At kung ano man iyon ay sana diretsahin na nila. “Sasabay po ako paguwi kay Yana, Tita.” Tumango siya sa akin at
Last Updated: 2021-11-04
Chapter: Eight“Raeyshen!” Tuloy pa rin ang naging takbo ko kahit ramdam ko sa likod ang pagsunod sa akin ni Art. I honestly didn’t know why I was acting this way. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis, irita, at isa pang hindi ko malamang emosyon noong makita ko silang magkasama ng pinsan ko. Siguro ay may parte lang sa akin na naiinis dahil sana ay si Yana na lang ang pinakilala niya sa mga magulang niya. Baka ngayon ay hindi sana kami nagaaway ni Yana at hindi rin kami pinaguusapan sa school. Sana ay hindi rin magulo ang takbo ng utak ko ngayon. Baka kung si Yana ang pinakilala niya ay maging sila pa. Iyon din naman ang gusto ni Yana, ‘di ba? At halata namang gusto niya ang pinsan ko kaya bakit kailangan ako pa ang guluhin. Diretso akong sumakay sa dumaang jeep at pinagsiksikan ko ang sarili ko kahit pa puno na iyon. Kalahati na lang ng pwet ko ang nakaupo pero binalewala ko na iyon dahil kung hindi ay mahahabol pa ako ni Art. “Nako, hijo. Wala nang bakanteng upuan para sa ‘yo.” In
Last Updated: 2021-11-02
Chapter: SevenNang sumakay ako sa kotse namin ay irap kaagad ni Yana ang bumungad sa akin. I could almost hear her thoughts. Panigurado ay hinuhusgahan niya ulit ako sa isip niya. H’wag ka magalala, Kaeyshaena. Mukhang ikaw nga ang gusto no’ng lalaking ‘yon. Mariin akong napapikit, naalala ko ang naging pagaaway namin dahil kay Art. I suddenly felt embarrassed remembering the words I said to her yesterday. Sobrang laki pa ng confidence kong sabihin sa kaniya na ako ang gusto ni Art. How messed up was that, right? I couldn’t believe that Art liked her. Si Yana na pinsan ko! Kaya ba siya lapit nang lapit sa akin dahil alam niyang magpinsan kami? Kung ganoon, bakit hindi na lang si Yana ang dinala niya noon sa family dinner nila? Pagkauwi ay hindi pa rin ako kinibo ni Yana. Kaagad siyang umakyat sa kwarto niya at ang lakas pa ng pagsarado niya sa pinto. Si Tita naman ay wala ngayon sa bahay, siguro ay nagtrabaho kaya wala pa siya ngayon. Baka gabi na rin iyon umuwi. Magdamag muli akong nag-review s
Last Updated: 2021-11-01
Chapter: Six“Exams will start in ten minutes daw,” pagpapaalam sa amin ni Uryel. The hallway was already crowded with students who were waiting for the exams. Ang alam ko lang ay katulad noong mga nakaraang exam namin ay paghihiwalayin ulit ang mga estudyante. So, I wouldn’t be with Uryel and July during the exam. Siguro ay sa magkakaibang rooms kami ilalagay. Kung mayroon man akong makasamang kaklase ko ay baka kaunti lang iyon. The school was really strict. Habang naghihintay na papasukin sa room na naka-assign sa akin ay panay ang pag-check ko ng selpon at suot na relo. Thirty minutes na ako ritong naghihintay pero hindi pa rin dumarating si Art. Ewan ko kung pinag-trip-an lang ba ako noon. I couldn’t forget the dream I had earlier, too. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa posibleng sabihin ni Art. Tuwing maiisip kong baka nga umamin siya ay bumibilis ng tibok ang puso ko. Hindi ko lang ma-imagine na mangyayari ang ganoon. Ilang linggo pa lang ba kami magkakilala ni Art? Kahit pa sabihin na
Last Updated: 2021-09-01
Chapter: Five“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko kay Art. “Why? Bawal ba ako rito?” balik niyang tanong sa akin. I shrugged my shoulders and stoop up after getting my things. Binalewala ko ang ilang tingin sa aking ng mga tao. Hindi pa nakakatulong na buntot nang buntot ‘yong isa rito. “Wala ka bang kaibigang pupuntahan?” tanong ko nang hindi na matiis ang mga titig ng tao sa amin. “I am with my friend now.” I rolled my eyes when I found how sarcastic he said that. “Ah, magkaibigan pala tayo?” Nairita ako nang makita ang mukha niyang nagpapanggap na inosente. “Parang kagabi gusto mo ako tapos ngayon magkaibigan na lang tayo, ganoon ba?” Binulong ko iyon pero napasinghap nang marinig ang bulungan ng malapit sa amin. Napakaraming chismoso ngayon, diyos ko! “Why do you sound disappointed, Amore?” he teased me. Ngumiwi ako at tinalikuran siya. Naupo na ako roon sa upuan ko at hinintay na dumating ang guro namin. Wala ka ngang napanaginipan, guguluhin ka naman ng mga tao sa paligid mo. Saan ba ako
Last Updated: 2021-08-26