
The CEO's Bargain Bride
Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan.
Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal.
Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin.
Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Read
Chapter: Chapter 11Chapter 11 Nang tuluyang mawala ang tensyon sa paligid, isang waiter ang lumapit sa amin para ihatid kami sa designated seats namin. Maingat akong inalalayan ni Leon habang naglalakad kami patungo sa table na nasa isang prime spot. Malapit ito sa stage, kung saan kitang-kita kami ng lahat. Pagkaupo namin, agad na inihain ang appetizers. Isang eleganteng plating ng shrimp cocktail at isang salad na mukhang masyadong maganda para kainin. Kinuha ko ang aking tubig at tahimik na uminom, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko matapos ang sunod-sunod na tanong kanina. “Impressive,” bulong ni Leon habang kinukuha ang kanyang kubyertos. “You handled that well.” Tiningnan ko siya nang bahagya, ang isang kilay ko bahagyang nakataas. “Ikaw kaya ang nasa posisyon ko, tingnan natin kung di ka pawisan pagkatapos.” Napangiti siya, bahagyang tumatawa. “Sanay na ako sa ganyan. Pero ikaw…” Pinagmasdan niya ako, para bang tinatantiya niya kung okay pa ba ako. “Hindi ko inexpect na ganun ka kabilis
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: Chapter 10Chapter 10Umalis kami agad sa kumpanya nila matapos niya akong ipakilala sa lahat ng empleyado roon. Napagdesisyunan namin na pumunta sa hotel para sa engagement dinner.Pagdating namin sa isang marangyang hotel, hindi ko maiwasang huminga nang malalim. Ang engagement dinner na ito ay hindi lang isang simpleng salu-salo. Isa itong opisyal na pagpapakilala sa akin sa mundo ni Leon. Isang mundong puno ng makapangyarihan at mayayamang tao, isang mundong hindi ko kailanman inakalang mapapabilang ako."Relax, you look beautiful tonight. Just smile," bulong ni Leon habang inaalalayan akong bumaba ng sasakyan. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano, pero nagawa kong ngumiti nang bahagya. Hinawakan niya ang kamay ko. Mainit, matibay, at may kumpiyansang parang gusto niyang iparamdam na hindi niya ako pababayaan.Pagpasok namin sa function hall, sinalubong kami ng mga negosyante, shareholders, at iba pang mahahalagang tao sa Monteverde Lines. Agad na napunta sa akin ang tingin nila. Ang bab
Last Updated: 2025-04-02
Chapter: Chapter 9Chapter 9 Pagkauwi ko mula sa dinner kasama ang pamilya ni Leon, pakiramdam ko ay parang hinigop ang buong energy ko. Gusto kong mahiga at hindi na gumalaw, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi ako makatulog. One week. One week bago ako ikasal. Parang isang cruel joke. Kahapon lang, isa akong simpleng nurse na namomroblema sa utang, ngayon… magiging asawa na ako ni Leon Monteverde. Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa kamay ko, sa singsing na suot ko ngayon. Ang engagement ring na naging dahilan kung bakit napatitig sa akin nang matalim ang lola ni Leon. "You barely know him," she had said. At sa totoo lang… tama siya. Yes, I’ve been working in Monteverde Lines for a while, pero kahit kailan, hindi ko naisip na makakasalamuha ko nang personal si Leon. Lalo na sa ganitong intimate na paraan. Bigla kong naalala kung paano niya hinawakan ang kamay ko sa hapag-kainan kanina. Ang init ng palad niya, ang bahagyang pagpisil niya para lang ipaalam sa akin na
Last Updated: 2025-03-28
Chapter: Chapter 8Chapter 7Wala pang sampung minuto simula nang umupo kami, pero pakiramdam ko para akong nasa isang interrogation room. Kahit magaganda at elegante ang paligid, ramdam kong hindi ako welcome dito.Si Leon, sa kabilang banda, ay mukhang walang problema. Nakarelax lang siya sa upuan niya habang ako, halos gusto ko nang matunaw sa kinauupuan ko.Leon’s grandmother was the first to speak."So, Solen," she started, her sharp eyes studying me. "Tell us something about yourself."Napalunok ako, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko.Bago pa ako makasagot, sumingit na ang ama ni Leon."O mas magandang tanong, bakit ka pumayag sa kasal na ito?"I stiffened. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon.Leon, however, smoothly leaned forward and answered for me."Because I asked her to."There was silence.His father raised an eyebrow. "And she agreed just like that?"Leon smirked. "You know me, father. I can be very persuasive."His grandmother let out a small scoff. "You expect us to believe
Last Updated: 2025-03-28
Chapter: Chapter 7Chapter 7Wala pang isang minuto ang nakalipas mula nang sabihin ni Leon na imi-meet namin ang parents niya, pero pakiramdam ko para akong nabilaukan ng isang buong tinapay."What?" Napakurap ako, hoping na maling dinig ko lang.Pero ngumisi lang siya, nakatingin sa akin na parang natutuwa sa reaksyon ko. "You heard me. We’re meeting my parents today."Halos gusto kong buksan ang pinto ng kotse at tumalon palabas. "Ngayon agad?!"He shrugged, looking completely unbothered. "Why not?""Sir— I mean… Leon!" Napahawak ako sa noo ko, trying to process everything. "Hindi pa ako handa! Wala akong alam sa pamilya mo! Hindi ko pa kabisado ang kwento natin!"Natawa siya, halatang aliw na aliw sa panic ko. "Relax, fiancée. Just follow my lead."Madali lang sabihin ‘yon kung hindi ko kailangan humarap sa pamilya ng isang Monteverde. Isang makapangyarihang pamilya na siguradong pagdududahan ako."Ano bang sinabi mo sa kanila tungkol sa’kin?" tanong ko, kinakabahan."That you’re my fiancée, of cour
Last Updated: 2025-03-23
Chapter: Chapter 6Chapter 6 Pag-uwi ko, dumiretso ako sa kwarto at agad na nilock ang pinto. Umupo ako sa kama, halos hindi makapaniwala sa nangyari. Tumingin ako sa kamay ko. Sa singsing na ngayon ay suot ko na. Makinis ito, simple pero elegante. Magaan pero ramdam ko ang bigat ng kahulugan nito. Hindi ito ordinaryong alahas. Hindi ito isang simpleng accessory na isusuot mo lang dahil maganda. Ito ang tanda ng isang kasunduang hindi na mababawi. I am engaged to Leonidas Monteverde. The COO of Monteverde Lines. Ang boss ko. At soon-to-be ‘asawa’ ko. Napabuntong-hininga ako. One year. Just one year. Pagkatapos nun, tapos na ang lahat. Wala nang utang. Wala nang hahabol sa akin. Dapat masaya ako, ‘di ba? Pero bakit parang hindi pa rin ako makampante? "Not for long, Miss Callisto. Soon, you’ll be my wife." Bakit niya kailangang sabihin ‘yon ng ganon?! Parang ramdam ko pa rin ang lalim ng boses niya, ang paraan ng pagbigkas niya sa mga salitang ‘my wife’ na parang may ibig sabihin.
Last Updated: 2025-03-21