My Ugly Husband is a Billionaire
Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas.
***
Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito.
Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan.
Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez.
Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa.
Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa?
Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
9.255.3K viewsCompleted