My Billionaire Ex-husband Regrets
"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?"
Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot!
Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta.
Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na.
"Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!"
Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
9.411.3K viewsCompleted