CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back
“Maximo Guevarra, maghiwalay na tayo,” malamig niyang sabi sa asawa.
“At sino naman ang nagbigay sa 'yo ng karapatan na sabihin 'yan, Mrs. Luciana Mendoza-Guevarra? Tandaan mo, akin ka at walang ibang aangkin sa 'yo kaya hindi ako papayag!”
****
Si Luciana Mendoza ay dalawang taon ng kasal sa CEO na si Maximo Guevarra. Halos dalawang taon din siyang nagtiis sa malamig nitong pakikitungo sa kanya at paulit-ulit na pinapamukhang pinakasalan lamang siya dahil wala na itong ibang magagawa. Ngunit, hindi iyon nagpatinag sa kanya at pilit na kinukuha ang puso ng asawa hanggang sa napagod na siya lalo na nang magbalik ang dating minahal nito at nagdadalantao sa kanilang anak.
Hangad na niyang makipaghiwalay ngunit, nang wakasan na niya ang kanilang relasyon ay bigla naman siyang pinigilan ni Maximo. Laking gulat na lamang niya na biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Hindi na ito ang dating walang pakialam at ngayon, siya naman ang hinabol-habol nito pagkatapos niya itong sukuan at nang paligiran siya ng maraming lalaki matapos siyang sumikat sa kanyang mga disenyo.
Sa pamamagitan ng pagkuha ni Maximo sa kanyang malamig na puso, at walang tigil na pagsuyo, magagawa kaya ni Luciana na magtiwalang muli? O sapat na sa kanya ang dalawang taon na sugat na natamo niya sa mga kamay nito…