OVEN
Si Carlo Tavez nag iisang namumuhay sa mundo. Akalain niyo ba naman mula ng nagkaisip siya ay hindi na niya nasisilayan o makita man lang ang kanyang ama. Ang kanyang ina lamang ang kanyang nakakasama hanggang sa lumaki siya. Subalit sa kasawiang palad ay biglaan ang pagkamatay nito dahil sa isang kagimbal gimbal na aksidente. Lumaking walang mga magulang si Carlo. Dahil masipag ito at hindi umaasa sa mga kamag anak ay matiyagang namuhay mag isa ang binata. Hanggang sa nakapagtrabaho ito ng maganda. At binigyan sila ng break ng kanilang CEO. Sino mag aaakala na halos kalahating taon ang binigay sa kanila na bakasyon. Laking tuwa ng mga ito ngunit ang ipinagtataka nila bakit ang tagal ng kanilang bakasyon anim na buwan. Dito pala makikita ni Carlo ang kanyang ama na matagal nang nawala. Dito niya matutuklasan ang katotohanan ng matagal na niyang hinahanap ang mga kasagutan. Ang mga sigaw na lagi niyang naririnig mula ng bata pa siya magpasa hanggang ngayon ay dito lang pala niya malalaman ang mga katotohanang nagaganap . Ang kanyang laging nakikita sa panaginip . Ang taong sumisigaw at humihingi ng saklolo. Ang taong sinaksak, pinaghiwa hiwa ang mga laman nito na parang karne. Ginawang chop at nilagyan ng paminta , asin, soysauce, bawang , sibuyas, asin , sugar. Saka minarinate ng dalawang oras . Pagkatapos ay nilagay sa oven niluto at pagkatapos ay inihain sa mesa at kinain. Brutal ang pagpatay at talagang hindi makatao ang ginawa . Ano ang intesiyon ng kanilang Ceo bakit sila pinadala sa isang forest para magbakasyon. Ano ang magiging papel ng kanilang Boss sa kwentong ito. Bakit parang weird ang kanyang mga galaw. Abangan niyo mga tagpong kagimbal gimbal dito lang yan sa aking kwentong oven. Sana po ay tatangkilin niyo po ang aking obra maestra at inyong subaybayan ang mga tagpo . Salamat po..
102.4K viewsOngoing