Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

"Love can be learned." Iyan ang paniniwala ni Seraphina. Kaya nang ipahayag ng kanyang mga magulang na ikakasal siya kay Sebastian Aldridge Singson—isang lalaking may yaman, kapangyarihan, ngunit walang emosyon—hindi siya tumutol. Sa isip niya, matutunan din nitong mahalin siya… balang araw. Ngunit ang kasal niya ay naging isang bilangguan. Kahit anong pagsisikap niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, nananatili itong malamig at walang pakialam. Isinilang ang kanilang anak, ngunit sa halip na maging daan upang mapalapit ang kanyang pamilya, mas lalong lumalim ang kanyang pagdurusa. Hindi lang siya itinuturing na estranghero ni Sebastian—pati ang sarili niyang anak ay may hinanakit sa kanya. Sa wakas, napagod si Seraphina sa laban na siya lang ang lumalaban. Sa unang pagkakataon, pinili niyang mahalin ang kanyang sarili. Iniwan niya ang buhay na puno ng sakit at hinanap ang kalayaang matagal niyang inasam. Ngunit sa kanyang muling pagsisimula, hindi niya inaasahan na ang lalaking minsang nagpaikot sa kanyang mundo ay siya ring maghahabol upang maibalik siya sa kanyang piling. Handa pa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso? O tuluyan na niyang pipiliin ang isang bagong simula?
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE COMPETITION

THE COMPETITION

Rivera sisters and De Guzman brothers magkalaban sa lahat ng bagay pati na rin sa negosyo gagawin ang lahat para pabagsakin ang isa't-isa,the most interesting part is dalawa sa De Guzman brothers may anak sa dalawa sa Rivera sisters pero hindi nila alam? Gagawin nga nila ang lahat para pabagsakin ang isa't-isa ngunit hindi nila alam na may mas matindi pa silang kalaban na nais maghiganti sa dalawang pamilya. Sino kaya ang kalaban na ito bakit kaya nais niya pabagsakin ang mga Rivera at mga De Guzman? Is there any chance na magkapatawaran ang dalawang pamilya,can they forget their painful past to start a new beginning?
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
 MAKE YOU MINE : Possesive Boys  Series 1

MAKE YOU MINE : Possesive Boys Series 1

Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
Romance
1019.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I'll Be Yours

I'll Be Yours

Miss Elle
Raizel Benitez-Cruz grew up believing that he was bullied by Cornelia Bella Braganza. Mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon—kung hindi aasarin at lalaitin, ang palaging ending ng pagtatalo nila ay magpapaka-ate ito sa kanya. Ang palagi pa naman tawag nito sa kanya ay “bata” at “taba.” "Kahit kailan, hindi ko magugustuhan ang babaeng iyon!” So he said. He had enough of her. Kaya ang naging solusyon niya ay sundan ito ng tingin at camera, kunin ang mga failed moments at reactions nito, at gamitin na pang-asar. Hanggang sa hindi niya namamalayan, hanap-hanap niya na ito. Dumating ang araw ng graduation ni Bella. Hindi niya inaasahan na sisisihin siya nito sa mga kamalasan nito sa buhay bago sila maghiwalay ng landas. Walang ideya si Raizel sa mga pinatutungkulan ni Bella. Kaya ipinangako niya sa sarili na kung magkikita ulit sila, ipararanas niya rito kung ano ang malas na dala ng isang Raizel Cruz. Magawa niya kaya ito kung sariling puso na ang kalaban niya?
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Womanizer Series 05: Zack Balley

Womanizer Series 05: Zack Balley

Blazingfire
Zack Balley is one of the womanizer in town. Nagmana ito sa ama nitong si Zaver Balley na dati ding womanizer. Zack is a cold person, but not in his secretary, Maiden, na siyang palaging kalaban nito pagdating sa mga babae niya. One night, isang mainit na pagtatalik ang nangyari sa kanila. They are both drunk, but Zack was in his right mind when it comes to Maiden. Matagal na niya itong gusto pero hindi niya maligawan dahil may boyfriend na ito. Dahil sa nangyari sa kanila, Maiden decided to leave. Hindi niya kayang harapin si Zack. Hindi pumayag si Zack sa pag-alis nito kaya naman umalis na lang siya ng walang pasabi. Pumunta siya sa ibang lugar para magsimula ng bagong buhay pero hindi niya inaasahan na sa bagong buhay na sisimulan niya ay may kasama na siyang bata. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila. Sa nakalipas na limang taon, muling magkikita ang landas nila. Makikilala kaya ni Zack ang anak nilang kasing mukha nito, pero kasing ugali naman ni Maiden?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled Hearts

Entangled Hearts

Arthemis_Aine
"I accepted everything, even your unborn child na walang ama tapos susuwayin mo ang utos ko? Akira gusto mo bang lumaki ng walang kinikilalang ama 'yang anak mo?" Sermon, yan ang palaging bungad ng stepmother ko sa tuwing pupunta ako dito sa bahay. Tumingin ako sa mga mukha nito, halata dito ang galit at inis. Napayuko lang ako dito sa sofa habang nakaupo. All my life I was a spoiled brat girl but in one night, in just one mistake nagbago lahat. Nakita ko ang pag hakbang nito palayo, ngunit bago pa man siya makaalis ay nagsalita muna ito. "You have no choice Akira, its either abort that child or marry Mr. Briar." "WHAT?" Sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napatayo, napahinto naman si tita Belle. Lumingon ito sakin na parang nagtatanong kung bakit ako sumigaw. "A-anong si Mr. Briar?" "Yes, Mr. Reigh Briar. You know him right? Sila ang number 1 kalaban ng pamilya natin this coming election, so kung maikakasal ka sa kanya, you'll be staying there and be our spy." "Pero—" "No buts Akira." may diing sabi nito at tuluyan ng umalis. Si Reigh? Sa lahat ng lalaki si Reigh pa talaga? Why him? Kaya ko nga di pinaalam sa kanila kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay para lumayo sa kanya tapos ngayon siya ang papakasalan ko? PAPAKASALAN KO ANG EX KONG AMA NG DINADALA KO?
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
Romance
9.625.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Innocent Cheater

The Innocent Cheater

Author BadkittenC
Isang pangyayari ang nagtulak kay Zandra na mag-apply bilang sekretarya ng isang bilyonaryo at CEO ng isang sikat na kompanya sa pilipinas na si Christian Luke Trinidad. Sa kabutihang palad ay natanggap siya ngunit ang hindi niya alam ay may pinaplano pala itong hindi maganda laban sa kaniya. Simpleng bangayan na nauwi sa pag-iibigan. Ngunit isang rebelasyon ang siyang wawasak sa pagsasama nila. Isang rebelasyon na siyang pupukaw sa pagkatao nila. Isang sikretong mabubunyag. Dalawang pusong masasaktan. Pag-iibigang matatapos. Sapat ba ang salitang pag-ibig para lumaban? Handa ka bang piliin ang taong itinuturing mong kaaway? Pagmamahal laban sa pagmamahal. Ano ang pipiliin mo?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
Romance
1099.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status