His Brother's Bride
Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat…
***
Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot.
Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar.
Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan.
Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin?
Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan.
Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw?
O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
10139 viewsOngoing