BAD ROMANCE, SWEET VENGEANCE
All she dream of is to marry a man she loves, and to build a complete family with that man. Ngunit sa araw ng pinapangarap na kasal, hindi niya alam na mababago ang lahat. Sinira ng babaeng minsan na niyang pinagselosan ang araw na matagal nilang pinaghandaan, at nabunyag ang kataksilan ng lalaking sana ay siya niyang makatutuwang sa buhay.
Alam ni Caroline ang pakiramdam na maging unwanted child, dahil siya mismo, naranasan iyon. Kaya nang sabihin ng babaeng iyon na ipinagbubuntis nito ang bunga ng kataksilan ng nobyo niya—itinigil niya ang kasal.
Pirma na lang sana ang kulang. Pipirma na lang sana si Jordan…
Pero luhaan niyang nilisan ang lugar. Ipinaubaya niya ang lalaking minamahal, at nagpakalango siya sa alak.
Para lang magising sa estrangherong lugar, at mabuntis ng estrangherong iniligtas niya sa inaakalang pagpapatiwakal.
Sino nga ba ang ama ng dalawang supling na naging bunga ng isang gabing pagpapakalunoy niya sa kabiguan, na nag-take advantage sa kaniyang kalasingan?
Darating pa kaya ang panahong may maipakilala siyang ama sa kambal na naging bunga ng isang gabing kapabayaan, gayong ni hindi niya maalala ang pagmumukha ng lalaking iyon?
108.4K 조회수Ongoing