ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)
NAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo.
Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw.
Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang.
Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon.
Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito.
Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao.
Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?
108.8K viewsCompleted