フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
His Secret Child (Tagalog)

His Secret Child (Tagalog)

Masaya si Eunice nang mapangasawa ang lalaking mahal niya. Kahit nahihirapan siya sa kanya, patuloy siyang umuunawa at nagmamalasakit. Ikinasal sila para sa kapakanan ng kumpanya at sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Tiniis niya ang lahat, umaasa na balang araw ay matutunan din siyang mahalin at tanggapin ang kanilang kasal. Ngunit nagkamali siya; mas lalo siyang nasasaktan. Mas binibigyan ng atensyon ng kanyang asawa ang dating kasintahan kaysa sa kanya. Hanggang isang gabi, laking gulat niya nang makita ang kanyang asawang lasing na nakatayo sa harap ng kanyang kwarto. Bigla na lang siyang hinila papasok. Doon, may nangyari sa kanila. Ibinigay ni Eunice ang sarili sa kanyang asawa kahit lasing na lasing ito. Pagkaraan ng isang buwan, nalaman niyang siya ay buntis. Pinili niyang lumayo. Natakot siyang hindi siya paniwalaan at itakwil ang kanilang anak. Umalis siya nang hindi sinasabi ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ilang taon ang lumipas, bumalik siya, ngayon kasama ang kanilang anak. Paano kung muli silang magtagpo at ang tadhana ay magbuklod muli sa kanila? Ano ang gagawin ni Eunice? Sasabihin ba niya ang katotohanan na may anak sila, o patuloy niya itong ililihim?
Romance
9.71.5M ビュー完了
レビューを表示 (295)
読む
本棚に追加
jmnbt
Ang ganda, sakto yung haba ng kwento. Hindi o.a na aabutin ng ilang chapter bago may magandang mangyayari. Good luck! Sana makita ko agad or meron na yung kay Trish at Jacob. At kung meron mang book 2 for next Gen kila Trishana at baby keil. 😂 Pocketbook na? Hahaha! Sorry, nasa thur* na kasi age ko
Analiza Silos
Ang ganda po sa sobrang dami NG pinagdaanan nila sa huli sila parin Ang nagkatuluyan,marami mang pagsubok Ang dumating sa buhay nila nalabanan nila at kahit sa una puro pasakit Lang Ang ginawa ni Travis Kay Aliyah napatawad parin Niya Ito at binigyan NG second chance...this story is amazing
すべてのレビューを読む
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1019.0K ビュー完了
読む
本棚に追加
The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

Wala nang mas kinaiinisan si Elara Montesilva kundi si Timothy Grey—ang stepfather niyang masyadong bata, masyadong seryoso, at masyadong involved sa lahat ng bagay tungkol sa kanya. Akala niya, noong namatay ang nanay niya ay tapos na rin ang koneksyon niya rito. Pero nang mapunta siya sa isang iskandalong muntik nang sumira sa pangalan niya, si Timothy pa rin ang unang dumating. Galit, tahimik, at determinadong ayusin ang lahat. Ngayon, kailangan niyang bumalik sa buhay na matagal na niyang tinakbuhan. At habang araw-araw ay nagbabanggaan ang pride nila, unti-unti naman niyang nakikita ang ibang side ni Timothy. Ito ‘yung lalaking hindi lang kayang magalit, pero marunong din mag-alaga... at umunawa. Pero paano kung ang galit niya ay unti-unti nang napapalitan ng isang bagay na hindi dapat? At paano kung sa likod ng lahat ng lihim ni Timothy Grey, ito rin pala ang tanging taong kayang sirain ang pader na itinayo niya? Rebellion. Tension. Forbidden emotions. Dahil minsan, ang taong gusto mong iwasan ay siya ring hindi mo kayang kalimutan.
Romance
10708 ビュー連載中
読む
本棚に追加
OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

Miss_Terious02
Harley Callanta is one of the youngest governor in San Miguel. At the age of 25, he is already a governor. He followed the footsteps of his father who was also a former governor of San Miguel. Kaya bilang isang governor ng kanilang lalawigan ay dapat malinis ang kaniyang pangalan. Ngunit nang makita niya ang isang babae na mas bata sa kaniya ay mukhang gagawin niya ang lahat kahit na madungisan pa ang kaniyang pangalan. Ayaw niyang maagaw pa ng iba ang babaeng matagal niya ng hinihintay. Nasa tamang edad na rin si Jane Requez kaya hindi na napigilan pa ni Harley na bakuran na ang dalaga. At dahil takot sa sasabihin ng mga tao sa kaniya, pinipilit umiwas ni Jane kay Harley. Ngunit ang governor naman ang lapit nang lapit aa kaniya. Hindi niya kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Harley. Takot siya sa sasabihin ng mga tao. Nang malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Harley ay nag desisyon si Jane na umalis ng San Miguel at ipinagpatuloy ang matagal niya ng pangarap-ang maging fashion designer. At sa muli nilang pagkikita ay hindi pa rin sumusuko si Harley na ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Jane. Ngunit kaya na bang ipaglaban ni Jane ang nararamdaman niya para sa Governor ng San Miguel?
Romance
1.1K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
Romance
101.2K ビュー連載中
読む
本棚に追加
The Room Mate wife

The Room Mate wife

Sa masiglang lungsod ng Makati, kung saan tila hindi kailanman humihinto ang buhay, tatlong buhay ang nalalagay sa isang sapantaha ng pag-ibig, lihim, at pagtataksil. Si Talia, isang batang babae na may misteryosong aura, ay kasama ang kanyang kasintahan, si Robert. Ang kanilang pag-ibig ay tila tunay, isang ugnayang nabuo sa loob ng maraming taon ng pagsasama. Ngunit sila parehong may itinatagong lihim sina Talia at Robert na nagbabanta na sirain ang lahat ng kanilang itinaguyod. Ang bagay na iyon ay si Nelson, ang kanilang charismatic at kaakit-akit na kasama sa bahay sa prestihiyosong Ayala Condominium. Si Nelson ay hindi lamang isang kaibigan o tagapagtapat—siya ang lalaking nakakuha ng puso nina Talia at Robert sa mga paraang hindi nila maipaliwanag. Bawat nakaw na sulyap, bulung-bulong na usapan, at ipinagbabawal na haplos ay nagpapalalim ng tensyon sa kanilang pinagsasaluhang tahanan, na lumilikha ng isang emosyonal na bagyo na wala sa kanila ang handang harapin. Habang nagtatagpo ang kanilang mga buhay sa hindi inaasahang mga paraan, kailangan nilang maglakbay sa malabong tubig ng pag-ibig, pagnanasa, at katapatan. Ang misteryosong kalikasan ni Talia ay nagtatago ng kanyang sariling mga lihim, at ang tila kalmadong asal ni Robert ay nagsisimulang mabasag sa bigat ng kanyang guilt. Samantala, si Nelson, na nahuli sa gitna, ay nahihirapan sa kanyang sariling emosyon at sa kaguluhang hindi niya sinasadyang nalikha. Sa likod ng masiglang kalakaran ng mga kalye ng Makati at marangyang pamumuhay sa mga mataas na gusali, ito ay sumasalamin sa mga kumplikadong aspeto ng pag-ibig at ang kahinaan ng tiwala. Ito ay isang kwento tungkol sa mga pagpipiliang ginagawa natin, mga lihim na itinatago natin, at mga hindi sinasambit na pagnanasa na maaaring magbuklod—o sumira—sa ating mga relasyon. Kapag nagbanggaan ang mga puso at lumabas ang mga pagtataksil, makakaligtas ba ang pag-ibig sa mga epekto nito?
Romance
10440 ビュー連載中
読む
本棚に追加
In Bed With Her Shithead Boss

In Bed With Her Shithead Boss

Tatlong Kuwento sa iisang nobela. Basahin ang tungkol sa magkakapatid na Warner—Sutton, Blair, at Keira. In Bed With Her Shithead Boss – Pag-uwi ni Blair ay nadatnan niya ang kaniyang fiancé na nakahiga sa kama kasama ang pinsan niyang si Laura. Ngunit hindi niya hinayaan na ang pangyayaring ito ay tuluyang sumira sa kaniyang buhay. Matatag, may kakayahan at determinado – iyan si Blair Warner. Ang hindi lang niya inaasahan, nalasing siya isang gabi at napunta sa kama ng mapanganib at mapang-akit niyang boss na si Roman! Isang gabi lang. Hindi na ulit mangyayari. Iyang ang pangako ni Blair sa sarili. Subalit napagtanto niya kung gaano kahirap lumayo. Dahil si Roman Kingston ay isang lalaking hindi basta basta na lamang bibitaw. Sa oras na nakapagdesisyon siyang angkinin ang dalaga, wala ng ibang makakapigil rito. Ang isang gabi ay hindi sapat. Nanasain ni Roman na mapasakaniya ito ng buong buo. At wala siyang balak na pakawalan siya.
Romance
2.6K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Caenaella Solace

Caenaella Solace

Caenaella Solace Felicidad is the die-hard hopeless romantic heiress of the Illustracion clan. She was a believer of the tale of the forbidden lovers of El Salvador. A sucker for the forbidden rose of the land. Growing up, her elders taught her one thing, that is to spite the powerful family of the Valiente. Ang nangungunang pamilya sa buong El Salvador na sa kasamaang palad ay nasa kabilang bakod lang ng kaniyang paborito at manamahal na Casa Console ang Hacienda. Sa gitna ng kalayaan na sa wakas ay natamo nilang magka kapatid pagka tapos maging isang home-schooled student ng ilang taon ay nakilala niya ang ika-tatlong henerasyong lalaki ng taga kabilang hacienda. Jaffen Emmanuel Valiente Jr is the ruthless first born of the Hacienda de la Valiente. He was the heir who was taught to not just rule the land but the whole clan. Ang lalaking minsan ng nahumaling sa babaeng may Mala-anghel na ngiti sa kabilang hacienda. It was all then she realize that the owner of those eyes was no other than the first born grandchild of the ruthless family of El Salvador. Jaffen Emmanuel was supposed to be her enemy, and so was Caenaella Solace to him. But what if fate suddenly played with Cupid and struck both hearts to beat as one? Will the tragic ending of the old tale of the forbidden lovers repeat? Paano kung hindi lang pala ang kanilang mga pamilya ang tututol sa kanila? Paano kung pati ang tadhana ay napagdesisyunang mas ikabubuti nila ang magka layo ang isa't isa? At paano kung pati si Cupido ay tututol na rin sa kanila? Kaya kaya nilang panindigan ang klase ng pag-ibig na noon pa may naging masalimuot ang naging kinahantungan.
Romance
1.4K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Chasing Her Untamed Heart

Chasing Her Untamed Heart

STAYANGNIE
Nang dahil sa gaganaping engagement ceremony ng kapatid, napilitang umuwi ang 25 anyos na dalagang si Elodie Hermedilla sa Pilipinas galing Australia. Ngunit, hindi niya inaasahang bigla pala siyang ipapalit sa kapatid na ma-engage dahil buntis ito sa ibang lalaki. Kaya nakipagtalik siya kay Russel Lardizabal, 28 years old na binatang kakikilala pa lang niya, dahil sa ayaw niyang ireserba sa kaniyang mapapangasawa ang kaniyang virginity. Subalit, hindi naman pala natuloy ang engagement ceremony. Pagkakataon niya iyon upang ituloy ang namamagitan sa kanila ni Russel. Nang malaman niyang balak pala siyang gamitin ng lalaki dahil sa mai-engage rin ito sa iba, napipilitan man ay siya na ang kusang lumayo. Ngunit huli na ang lahat nang malaman niyang buntis na pala siya kay Russel. Kaniya bang sasabihin sa lalaki ang tungkol sa magiging anak nila? Or she will wait him chase her untamed heart?
Romance
10886 ビュー連載中
読む
本棚に追加
The Best of Me

The Best of Me

Si Veronica ay isang simpleng babae na buong buhay ay inilaan sa pag-aalaga kay Nanay Belen at sa kanyang kinakapatid na si Barbara. Si Barbara ay maganda, matalino, at palaging nakukuha ng gusto niya, ngunit sa likod ng kanyang perpektong imahe ay isang spoiled brat na sanay sa pagmanipula ng mga tao. Habang nag vi video call si Veronica sa kanyang boss na half-Filipino, half-Italian na si Anthony Rossi ay agad niyang napansin ang kagandahan ni Barbara. Nabighani ito kaya't dali daling pumunta ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang 6 years old na anak na si Bianca at ang kanyang pilipinang ina upang kuning magmodelo ng kanyang merch at magtayo na din ng kumpanya. Inisip niyang seryosohin ang pakikipag relasyon nito ngunit nang masaksihan niya kung paano nito tratuhin ang sariling ina, naisip niyang hindi ito ang babaeng para sa kanya. Nang magkaroon ng problema si Bianca sa eskwelahan, napagtanto ni Anthony na kailangan nito ng isang maternal figure. Sa isang praktikal na desisyon, inalok niya si Veronica ng isang kasunduang kasal—hindi para sa pagmamahal kundi para samahan si Bianca. Ngunit sa kabila ng kasunduan, isang damdaming hindi nila inaasahan ang unti-unting umusbong dahil sa kabila ng ka walang personalidad na itsura sa panlabas ng assistant ay may nakatago itong ganda at higit sa lahat-mabuti itong tao. Nang malaman ni Barbara ang tungkol sa kasunduan, gumawa ito ng eksena—sinaktan ang sarili at muntik nang kitilin ang sariling buhay. Sa gabing dapat ipagdiwang ang engagement nina Veronica at Anthony, isang rebelasyon ang yumanig sa kanilang mundo—buntis si Barbara, at si Anthony ang sinasabing ama. Totoo kaya ito? O isa na namang kasinungalingan upang wasakin ang kanilang pag-iibigan?
Romance
348 ビュー連載中
読む
本棚に追加
前へ
1
...
3435363738
...
50
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status