Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Maging Akin

Muling Maging Akin

R-18!! Napagkasunduan ni Rayn Jasper at Arym Zchrynne “MaiMai” na magsama bilang mag-asawa sa loob ng isang taon matapos ay maghihiwalay kapag hindi nila natutunan mahalin ang isa't-isa. Kapwa sila brokenhearted nang mga panahon na iyon.  Balak sana sorpresahin ni MaiMai si Jasper tungkol sa kanyang ipinagbubuntis sa araw ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit kabaligtaran ang nangyari. Si MaiMai ang na sorpresa nang iabot sa kanya ni Jasper ang annulment paper na pirmado na nito. Kahit nasasaktan ay pinirmahan niya ang papel at umalis kinabukasan ng walang paalam. Pinangako ni MaiMai sa sarili na kailanman hindi niya ipapaalam sa dating asawa ang tungkol sa anak nila hanggang sa kanyang huling hininga.  Makalipas ang pitong taon, napilitan bumalik si MaiMai sa Pilipinas dala ng kanyang trabaho bilang secretary ng isang CEO sa Singapore na isa rin niyang matalik na kaibigan. Hindi inaasahan ni MaMai na ang kliyente nila ay ang dating asawa.  Paano kapag nalaman ni Jasper ang tintagong lihim ng dating asawa? Muli ba silang magkakabalikan o mas lala lang ang sitwasyon? 
Romance
1061.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE

THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE

LEXUS & TAMARA’S LOVE STORY Matapos pumanaw ang ina ni Tamara, kinupkop siya ng pamilyang Luxerio. Hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya kay Lexus—ang step-brother niyang handang gawin ang lahat para makasama siya. Natakot siya at umalis… dala ang sikretong siya’y buntis. Five years later, she returned home with her twin babies. Muling nagkrus ang kanilang landas ni Lexus, ngunit hindi na ito ang lalaking nakilala niya noon. Tinitingnan siya nito na para bang isa siyang estranghero. Mas lalong nadurog ang puso niya nang matuklasang engaged na si Lexus—at buntis ang babae. Plano sana niyang ipagtapat ang tungkol sa kanilang mga anak, ngunit sa huling sandali, nagbago ang kaniyang isip. Masaya na si Lexus, at ayaw na niyang guluhin pa ang buhay nito. But deep inside, she was shattered. Ngunit ano ang mangyayari kung matuklasan ng kanilang kambal na anak ang katotohanan tungkol sa kanilang tunay na ama? Paano kung malaman ito mismo ni Lexus? Will she lie and run away again? Or will she finally face the past she has long been avoiding? LOVING THE BILLIONAIRE’S SERIES 1
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS BILLIONAIRE'S DEAL FOR DESIRE (SSPG)

RUTHLESS BILLIONAIRE'S DEAL FOR DESIRE (SSPG)

Para mailigtas ang nalulugmok na kumpanya ng pamilya Perez, Elena has no choice but to agree, to a deal na inilatag ni Sebastian Montlaire. The contract in exchange for her. Isang kundisyon na imposibleng tanggihan, lalo na't ang pamilya ni Elena ay wala namang pakialam sakaniya. Ngunit sa bawat gabi na nagkakasama si Elena at Sebastian dahil sa kasunduan, mas lumalalim ang obsession ni Sebastian, at mas nagiging komplikado ang puso ni Elena. Is it just a ruthless deal for desire, o hahantong ito sa isang mas malalim pang ugnayan? Kapag kapangyarihan, pagnanasa, at puso ang nagbanggaan... alin kaya ang mananalo?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying the Frigid Incognito Magnate

Marrying the Frigid Incognito Magnate

Nang mawala ang nakatatandang kapatid, napilitan si Geraldine sa contract marriage na s-in-etup ng kanyang magulang sa kanya - na mapangasawa ang panganay na anak ng Pamilyang Jenses, ang misteryosong anak na nagpalago ng negosyo ng pamilya nila na si Fenrir. Dahil sa desperasyon, pumayag siya...para umalis sa pamilya na hindi pinaramdam sa kanya ng pagmamahal. Ngunit sa kanyang paglakad sa aisle, kinapos siya ng hininga. Ang lalaking naghihintay sa altar ay hindi isang estranghero sa kanya - kundi ang lalaking minsan niyang nilandi sa bar nang sapilitan.
Romance
10440 viewsOngoing
Read
Add to library
A Trillionaire In Disguise

A Trillionaire In Disguise

Si Luke Cruise ay isang mahirap at walang kwenta sa mata ng karamihan. Halos araw-araw nila ito kung laitin at maliitin. Itinatrato nila si Luke bilang isang basura. Pero ang hindi nila alam ay nagmula siya sa angkan ng pamilya Cruise, na siyang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa buong mundo. Dahil sa kanyang naging poverty training ay napilitan siyang ilihim sa lahat ang tunay niyang pagkakakilanlan, kakayahan at abilidad lalo na ang husay niya sa martial arts. Ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila mismo ang tunay niyang katauhan?
Urban
9.971.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unwanted Baby

The Billionaire's Unwanted Baby

"The first time I tasted you, I knew that I will never get enough of you." Maging yaya sa umaga at babae nito sa gabi—ito ang gustong ipagawa ni Uno kay Isa kapalit ang malaking pera. Para makasama ang anak na kinuha nito, pumayag si Isa sa ganoong arrangement. Pero paano kung malaman ni Uno ang tungkol sa kaniyang sikreto? Will she let him know about her little secret or will she hide the billionaire's unwanted baby forever?
Romance
9.1205.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
5.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The billionaire's willing victim

The billionaire's willing victim

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang Babae na naging biktima ng labis na pagmamahal sa Isang guwapong bilyonaryo na nagngangalang YVO DORCHER. hanggang saan kaya Ang kaya nilang gawin para lang sa pag-ibig? at kung umabot na sa sukdulan? kaya mo bang maging manhid para lang manatili sya? o kaya mong pumatay masigurado mo lamang na tanging sa 'yo na Lang sya? billionaire's willing victim (super SPG)
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1011.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
89101112
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status