The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart
"Anong dahilan ito ng pakikipaghiwalay mo?" tanong ni Zeus kay Maureen, "hindi kita mapaligaya sa kama? anong kalokohan ito?"
"Totoo naman, hindi mo ako mapaligaya sa kama. Uuwi ka ng bahay, matapos ang ilang linggo mong pagkawala, tapos, lalayasan mo ulit ako pagkatapos. Kaya tama yang nababasa mo, hindi mo nameet ang standards na gusto ko!" sagot ni Maureen sa lalaki.
"Talaga ba? Ilan ang gusto mo? makapito tayo sa isang gabi? Sige, humanda ka sa akin pag uwi---" hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil agad niya itong sinagot.
"Sino namang may sabing uuwian pa kita? ano ako, baliw?" kaagad pinutol ni Maureen ang tawag na iyon. Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Subalit pagod na siyang habulin ang lalaki, gayong ang trato nito sa kanya ay isang basura! Tapos na ang pagiging masunurin niyang asawa. Sinayang lang nito ang pagmamahal niya.
Paglipas ng panahon, naging isa siyang successful na fashion designer. Napapalibutan na siya ng mga bata at gwapong kalalakihan. Madalas niyang nakakasalamuha sa mga events ang dati niyang asawa. Minsan, kinorner siya nito sa sulok saka hinalikan.
"Maureen, mahalin mo ulit ako, please.." pakiusap nito. "Gaya ng dati. Handa akong magpaalipin sayo, balikan mo lang ako."
9.5412.3K viewsOngoing