Sweet Disposition
risingservant
Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa?
Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta?
Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?
103.5K viewsCompleted