Midnight Lover
Puot at sakit sa puso ang dinamdam ni Crystal Fuentes matapos magpakasal sa kanyang kapatid ang long-time crush niyang si Royce Consunji. Sa mismong gabi ng kasal, laking gulat niya na dinalaw siya nito sa kanyang silid at isang pagkakamali ang kanyang nagawa matapos ibigay ang sarili dito. Ngunit hindi lang iyon isang beses na nangyari, nasanay siyang dinadalaw siya nito tuwing hating gabi, at kahit alam niyang mali, tinanggap niya sa sariling kabit siya nito. Iyon nga lang, nasasaktan siya kapag umaakto itong parang walang nangyayari sa kanila sa tuwing kaharap ito sa umaga. Hanggang sa nalaman niyang buntis siya ngunit sakto ring buntis ang ate niya. Makasarili man, siya mismo ang nagsiwalat ng relasyon niya sa asawa nito. Ngunit dumoble lang ang sakit na nararamdaman niya matapos nitong itanggi ang lahat maging ang pinagbubuntis niya, gulat na gulat pa ito at sinabing ni minsan ay hindi siya dinalaw sa kanyang silid. Sa galit ng kanyang mga magulang ay ipinatapon siya sa ibang bansa upang pagtakpan ang kahihiyan ng kanilang pamilya.
Sa kanyang pagbabalik, nagulat siya noong muli siya nitong bisitahin sa kanyang silid sa kalagitnaan ng gabi. Galit na galit ito.
"How dare you leave me and hide my daughter, Crystal?"
1076.2K DibacaCompleted