Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lost in the world named Aragona

Lost in the world named Aragona

Mula sa isang normal na pamumuhay, isang binata ang biglang mapupunta sa isang mundo kung saan hindi niya alam kung ano ang klase at sistema ng pamumuhay rito. Ngunit hindi siya nag-iisa, makakasama niya sa kaniyang paglalakbay ang kaniyang mga kaibigan. Dito masusubukan ang kanilang samahan. Mag-uumpisa ang nobela sa isang Highschool student na si Mac Salas kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Jas Alcantara, Set Saja, Dane Santiago, Nads Vivar at Mercury Manuel. Isang Diyosa ang magdadala sa kanila sa mundo ng Aragona upang kanila itong maisalba mula sa muntikang pagkasira. Pero ano nga ba talaga ang tunay na mangyayari at kakahantungan ng kanilang pagpunta sa ibang mundo?
106.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vampire's Tale

The Vampire's Tale

Isang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali. Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan. Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya? Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana? Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
108.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Death Whisperer

Death Whisperer

MADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising -na handa na siyang gumising -mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano. Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot. Hanggang sa may nakapagbanggit sa kanya ng kinaroroonan niya. "Hindi ito langit. Hindi rin ito impyerno," sabi ng isang lalaking walang permanenteng pangalan, na kanyang "taga-bantay." Sunod nitong ipinaliwanag na patay na siya at binigyan siya ng bagong buhay sa bagong mundong ginagalawan niya.
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
102.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Envious Desire

Envious Desire

Sa isang prestihiyosong unibersidad, kilala ang dalawang estudyanteng naging mortal na magkaaway dahil sa kompetisyong nangyayari sa pagitan nila. Si Kendall Lin, isang Chinese Filipino at nag-iisang anak ng hinahangaang mag-asawang abogado sa kanilang bansa, ay pinipilit na makamit ang lahat ng pangarap ng mga magulang para sa kan'ya. Habang si Isaiah Thomas na nagtataglay ng likas na katalinuhan at isa sa mga tinitingalang model student ng Cavin International School ay isa nang sikat na businessman dahil sa biglaang pagkamatay ng kan'yang mga magulang noong bata pa siya. Sa paaralan kung saan ang sistema nito ang naging dahilan ng kanilang kompetisyon, doon din nila nahanap ang safe haven nila. Kung saan nananatili ang abandonadong silid ng Arts club, nagawa nilang makita ang sansinukob sa kanilang mga mata. In between the pressure and their high dreams, with their hearts trying to find its key to open it and kiss each other's soul with gentleness, will they ever get to do it wholly? Can enemies be friends and can their friendship be worth for something more? Something for love?
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Unforgettable Love with Mr. CEO

Unforgettable Love with Mr. CEO

Isang dalagang pumasok sa trabaho bilang kasambahay sa isang mansion para sa kanyang pamilya, dalagang pilit winaksi ang nararamdamang nasimulan dahil alam n'yang hindi ito nakakabuti sa trabaho o sa kanyang sistema lalo na't kung ikakasal lang din naman ang lalaking iniibig nya sa babaeng kasosyo sa negosyo. Sya ang dalagang walang kaalam-alam na sa kanyang pagpasok sa trabaho ay isang plano lamang mula sa lalaking matagal nang may gusto sa kanya. Plano nitong mapalapit ang dalaga at mapaibig ito. At hindi nga nabigo ang lalaki dahil nagkakatotoo ang kanyang mga plano. Sa pag-iibigang namamagitan sa kanila, kaya ba nitong maisalba ang paparating na malaking bagyo para sa kanila? Sapat ba ang kanilang pagmamahalan upang balewalain ang nakaraang pilit umi-eksena sa kanilang storya? Sapat ba ang kanilang pagkakagusto upang labanan ang madilim na nakaraan na may kinalaman sa Ina ng dalaga? But what if destiny plays its hand? Is there a chance that these opposite worlds will meet and give a chance to have an UNFORGETTABLE LOVE they have ever felt? Or are they just given a chance to feel the unforgettable pain they have ever felt?
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Devil CEO'S  FATHER OF MY CHILD?

The Devil CEO'S FATHER OF MY CHILD?

Napalayas ng mansiyon si kythe kaya nagpakalasing siya sa isang bar . Wala siyang perang dala at na block naman ang kanyang credit card . Halos nag kakahalaga ng sampong libo lahat ng naiorder niya . May isang lalaking nag bayad para sa kanya pero ang kapalit nito ay isang gabi . Nagbunga ang lahat sa isang gabi lamang at nagsilang siya ng mumunting anghel . Makalipas ang anim na taon may nakasalamuha siyang lalaki kamukhang kamukha ng anak niya . Pero ayaw tanggapin ng sistema niya na ang lalaking iyon ay ama ng dinadala niya , kaya sinabi niya nalang sa sarili na nagkataon lang ang lahat . Ang hindi alam ni kythe ay Gagawin ng lalaki ang lahat mabawi lamang ang dapat na para sakanya , wala siyang sinasanto kahit ina pa ito ng anak niya. Saan aabot ang lahat? Sino ang may karapatan ? Bawat isa ay may tinatago . Sino ang karapat dapat na kampihan ? Ang nagluwal o ang nagtanim? ISANG DEVIL CEO VS MYSTERIOUS WOMAN. THE DEVIL CEO IS A FATHER OF MY CHILD? Hindi ako papayag na malalaman mong may anak ka saakin , gagamitin ko ang lahat nang meron ako maitago ko lamang ang hindi para saiyo . LAZY WRITER✍️...
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER

Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER

"I love you, Luke?" "Hindi niyo alam ang sinabi niyo, ma'am!" "I'm old enough to know what I'm doing," gusto niyang isigaw iyon. "Why don't you want to believe?" Zarah Buenaflor ang dating anak-mayaman na walang ibang alam kundi ang mahalin ang kanilang hardinerong si Luke. That was six years ago. Noong langit at lupa pa ang pagitan nila. Ngunit sadyang bilog ang mundo at umiikot ang gulong ng kanilang kapalaran. Luke Guevarra was once a gardener who became to be a billionaire. Regardless of his wealth, he was inherently arrogant. "What have you done to your life, Zarah? You're playing the role of a whore!" asik ni Luke. "Wala kang pakialam!" "Pang-ilan na ba ako sa pinagregaluhan sa'yo?" "Hindi ko na mabilang!" Ang kauna- unahan nilang tagpo pagkatapos ng mahabang panahon. Ngunit bakit tila hanggang ngayon ay naroon parin ang familiar na tibok ng kanyang puso? Hindi pa ba sapat ang katagalang iyon upang tuluyan na itong mawalay sa kanyang sistema? Paano kung sa isang araw ay bibilhin siya nito sa isang napakalaking halaga? Papayag ba siya o tuluyan niya na itong iwasan at kalimutan? At paano niya ipaglaban ang sarili kung gayong nakatatak na sa isip nito, na siya ay isang mababang uri na babae? Tunghayan ang masalimuot na kuwento sa buhay nina Luke and Zarah. How their lives being twisted in a cruel twist of fate.
10830 viewsOngoing
Read
Add to library
Escape Marriage

Escape Marriage

Talulla Fay Zelda, nag-iisang anak ng isang sikat na mag-asawa na may-ari ng malaking kumpanya sa may Cavite. Lagi siyang sunod-sunuran sa bawat sabihin ng mga magulang niya at alam niya sa sarili na nakakasakal na ang gano'n na sitwasyon o sistema, kaya nang sabihin sa kaniya ng mga magulang niya na ikakasal siya sa isang anak ng mga Osvaldo, ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya 'yon. At ang lalaking iyon ay si Sebastian Kenji Osvaldo, na siyang magiging Heir ng isang sikat na magazine company sa buong bansa at kilala rin internationally na, Dazzle Company. Kilala si Sebastian na mabagsik at hindi napapaamo sa kahit sino man. Wala itong pinapansin kung hindi naman trabaho ang usapan. Giginhawa kaya ang buhay niya sa piling ni Sebastian? O mas lalo lang gugulo ang inaasam niyang kalayaan sa buhay?
659 viewsOngoing
Read
Add to library
Conquering the Mafia Heir

Conquering the Mafia Heir

Sweaty and calloused hands, heavy breaths, and bruises of the pasts has been what Calithea Amara Noval trying to either dodge or manage to turn down. Hindi niya pinangarap lumaban para mabuhay, pero hindi rin niya pinagsisisihan na lumalaban siya para sa buhay. The tranquil she couldn't recognize at any bumps and holes of her life she has been trying to revamp isn't like the black-and-blue-mark on her skin, but shades darker she couldn't conceal. The roars of beast outside the match ring put a pause on as she saw Theon North Ledesma inside. She didn't welcome him at all, but he happened to found his way inside her. Sa bawat pagpasok ni Theon sa sistema niya ay siya'ng paglabas ng katotohanan sa pagkatao niya. Winning the Conquest has been her thirst to get out of the Underground, para sa ranggo, para sa pribadong pagkatao habang nagbabanat ng buto. Pero ang katotohanan na ang yumao niya'ng ama ay isang dating manlalaro kapalit ng buhay at si Theon na sa kanya'y pumatay ay hindi niya matakbuhan, sinubukan pero hindi mabitawan. Caving in for a peaceful life on the south, she managed to do a living, and brought out a living. Pero sa pagtakbo, kahit anong tulin ay mayroong mas matulin. Kailangan niya'ng mabalikan ang ina, kailangan niyang makuha ang posisyon ni Theon sa Mafia para masira ito. Pero sa bawat hakbang paakyat, unti-unting nabubutas ang kan'yang nilalakaran kasabay nang pag-angat ng mga rebelasyon, kung ano siya, at sino siya. Sapat na nga ba ang posisyon ni Theon para makuha niya ang inaasam na panalo? o hindi na niya kailangang kunin ito? Pumasok siya sa isang laro, at tatapusin niya ito sa isa pang laro. Ang sipa at suntok na para nga ba kay Theon o sa iba na humahatak sa kaniya?
673 viewsOngoing
Read
Add to library
DMCA.com Protection Status