My Boss, My Fiancé
Iya Perez
"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo."
Iyan ang mga salitang palaging bukambibig ni Louise sa tuwing aasarin siya ng kaniyang childhood best friend slash boss na si Troy. Guwapo, mayaman, mabait. Halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaibigan niya na.
Tunay ngang napakadaling sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto, pero napakahirap naman nitong panindigan lalo na kung araw-araw mo itong nakikita at nakakasama.
Makakaya nga ba niyang panindigan ang mga salitang sinabi sa kaniyang kaibigan o kakainin niya ang kaniyang sinabi dahil sa paglaon ay hindi niya na rin mapigil ang damdaming nais kumawala sa kaniyang puso?
9.1100.6K DibacaCompleted