Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1053.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
Romance
1058.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Contract marriage (Tagalog)

Contract marriage (Tagalog)

si louisse ay ipinagkasundo sa anak ng kaibigan nang kanyang ama. Subalit Hindi nito kayang pakasal Ang binata.Dahil sa gusto Muna niya makapag- aral at maabot Ang kanyang pangarap. Ngunit sa kanyang pagbabalik.Doon niya mapagtatanto na mahal Pala niya Ang binata. At Ang binata Ang magpapahirap sa kanya.Dahil sa gusto niyang ipadama Ang sakit na kanyang naranasan noong iniwan siya nito.Ngunit sa huli pala ay sila Rin Pala Ang magkakatuluyan NG binata.
Romance
1058.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Annoying Assistant

The Billionaire's Annoying Assistant

Para mabuhay ang mga batang tinuturing na niyang kapatid. Nag-apply si Petra ng trabaho sa isang malaking kompanya. Nakuha siyang assistant ng arogante at mapaglarong CEO na si Joshua. Maayos naman ang lahat sa trabaho, kahit na minsan ay gusto niyang pilipitin ang leeg ng loko-loko niyang amo. Hanggang sa isang araw, ang pinakatago-tago niyang sikreto ay nabunyag. Dahilan para masisante siya sa trabaho at mawala sa buhay ng binatang amo na nagkaroon na ng parte sa kaniyang puso.
Romance
1052.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1049.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Heiress Bodyguard

Heiress Bodyguard

Blurb: Nang malaman ni Kana Marie Ramirez Palma na bilang na lang ang araw niya sa mundong ibabaw, nagpasya siyang i-enjoy na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-travel. At hindi niya inaasahang makikilala si John Serrano sa isang bar sa Malaysia. At dito niya ipinagkaloob ang matagal na niyang iniingatang perlas. Para sa kanya, para saan pa ang iniingatan kung kukunin na siya ni kamatayan? Si Master Sergeant John Serrano ay isang sundalo na kasalukuyang may misyon sa bansang Malaysia. Pero napagbintangan siya sa isang kasalanang hindi naman ginawa. Nakulong siya ng dalawang taon ngunit nakalaya din para sa isang misyon- ang maging personal bodyguard ng anak ng isang Chief of Staff ng Pinas at ng Bilyonaryang. Ano kaya ang magiging reaksyon ni John kapag nalamang ang babaeng inaakalang nasa langit na ang kanyang magiging amo?
Romance
1053.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
KEEPING THE CEO

KEEPING THE CEO

Jolo Raymundo is the CEO. He is a monster when it comes to business. He is ruthless when his employees made a mistake. He hates mistakes! No one should make a mistake. Especially in his company. Everyone hates him and he knows it. He doesn’t need anyone as long as he has Angel, his fiancée, and his best friend Vincent on his side. Everything was smooth according to his wants. He was on his way to Baguio for a conference about his new upcoming product when an accident occurred. Nagising nalang siya sa hindi pamilyar na lugar. Ang dalagang si Shella ang una niyang makikita pagbukas ng mga mata. And starting on that day, she will be the one who decide if she will keeping the CEO or not.
Romance
1056.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit

Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit

Kinasal si Athalia o mas kilala bilang Tati kay Raphael. Sa ilang taong pagsasama nila ay ilang beses lang umuwi ang asawa niya. Raphael hates her to the core, ginagawa niya ang lahat para maibalik ang dating meron sila. Ngunit paano nga ba maibabalik ang bagay na hindi naman nangyari? Limang taon niyang pilit pinapalitan sa puso nito ang dating kasintahan. Ngunit hindi ito maalis sa puso ni Raphael. Lalaban pa ba siya o susuko na? Mananatili ba siyang Mrs. Yapchengco o susuko na lamang ba? Ito ang kwento ni Doktora Athalia Rielle “Tati” Lazarus–Yapchengco.
Romance
1056.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bearing The Billionaire Heir

Bearing The Billionaire Heir

"May dengue po kayo ma'am" hinang hina si Keisha nun, nang ibalita iyon ng doctor hindi nya alam kung paano sya nag ka dengue at bakit. "Doc ano po yang itinuturok nyo? Kailangan po ba dyan iturok" sumagot ang doctor at sinabing alam nito ang ginagawa kaya hinayaan nya, may tiwala sya sa doctor at alam nya gagaling sya. Hinayaan nya itong turukan sya ng gamot sa maselang parte nya. Wala pang isang linggo nakalabas na sya, magaling nga ang doctor. But as the time flies, naramdaman nya ang pagbabago sa katawan nya, madalas syang magsuka sa umaga ta umuumbok ang tiyan nya senyales pala iyon na BUNTIS SYA! Paaano nangyari birhen pa sya?! hanggang sa maalala nya ang doctor na may kung anong tinurok sa maselang parte nya. Napagtanto nya na mas grabe pa sa Dengvaxia ang itinurok sa kanya dahil heto sya ngayon syam na buwan na magtitiis hanggang sa makapanganak sya. Pero ang malaking problema nya sino ang ama ng dinadala nya? She didn't know that she was bearing the Billionaire Heir.
Romance
1043.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Husband's Only Woman (Filipino)

The Husband's Only Woman (Filipino)

COMPLETED. Mature Content. ***** Nahulog si Diana kay William, ang asawa ng kaniyang matalik na kaibigang si Gianna. Hanggang sa nakaisip siya ng masamang balak at nakagawa ng dalawang krimen. Ano at saan ang magiging hantungan niya? Si Gianna ay tapat na asawa kay William. Labis siyang nasaktan nang malaman niya sa kakaibang paraan ang hindi niya inisip na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigang si Diana. Mapapatawad pa kaya niya ito at si William? Ano ang gagawin niya sa asawa? Maayos ang buhay ni William kasama ang pinakamamahal niyang asawang si Gianna at ang dalawa nilang anak na sina Wyler at Greisha. Naging magulo ang buhay niya nang dumating si Diana na kailanman 'di niya minahal. Paano niya ibabalik ang dating matamis na pag-ibig nila ni Gianna? Si Yuan ay may gusto kay Gianna ngunit hindi niya ginulo ang buhay nito dahil may asawa't mga anak na ito. Gagawin niya ang lahat para 'di masaktan si Gianna kay Diana at 'di masira ang samahan nina Gianna at William. Ano ang gagawin niya kay Diana? At ano ang papel ng kapatid na babae ni William na si Willa sa buhay niya? Ito ay istorya ng pagkakaibigan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapalaya, pagiging buo ng isang pamilya at iba pang mga aral.
Romance
9.846.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status