The Secret of the Casanova Billionaire
Hazel
Si Angelika Sandoval ay nakatanggap ng call sa kanyang dad at sinabing pakakasal siya kay Adriel Monteflacon, III isang kilalang Casanova at ubod ng yaman. Walang maka-resist sa kakisigan ni Adriel sapagka’t nasa kanya ang lahat ng pangarap ng isang babae – matipuno, guwapo, matalino karinyoso, at mayaman. Lahat na kay Adriel na at inihain i’yon sa kanya on a silver platter pero sa kung anong dahilan ay nagdaalawang isip pa rin siya kung tatanggapin ba niya sa buhay niya ang isang playboy na tulad ni Adriel o hindi. Kung hindi niya ito tatanggapin ay maaring mag suffer ang negosyo ng kanyang pamilya. She doesn’t want to defy her father’s wish. Eventually pumayag siyang magpakasal dito.
Magulo ang isip niya kaya’t napagpasyahan niyang pumunta ng Davao City para makapag site inspection siya at makapagpahinga. Na met niya ang binatang si Christian na lalong nagpagulo ng kanyang isip at puso. Napakabait nito at maginoo. Kalaunan ay nahuhulog na siya dito. She’s now torn between two men – ang lalaking handang magpakasal sa kanya o ang lalakeng nagbigay ng tunay na pag ibig?
While staying in Davao, madaming mga bagay ang na discover niya at ang kagimbal gimbal na sikreto na hindi alam ng kaniyang pamilya. Kinailangan ng agarang aksyon ni Angelika upang maisalba ang kanilang pangalan at ang buhay ng kanyang pamilya.