Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
1038.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
9.8418.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Kakambal Sa Ibang Mundo

Kakambal Sa Ibang Mundo

Sa mundo ng mga diwata, kapag may taong nakasabay nila sa oras kung kailan sila isinilang ay itinuturi nila itong kakambal. Magkaiba man ng mundo, nakagisnang buhay ay hindi pareho pero sa paniniwala ng diwata kakambal niya ito. Siya ay si Alea, isang tao na laging dinadalaw ng kakambal niyang diwata. Ngunit pilit silang inilalayo sa isa't-isa kaya lumaki silang hindi nagkakasama. Lumipas ang maraming taon at hindi na rin nagpapakita ang kambal nitong diwata. Ngunit nang dumating ang nalalapit na panglabing-walong taong kaarawan nila ay muli itong nagparamdam at nagpakita. Siya ay si Avaleighra, ang kakambal niyang diwata.
1023.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
MADILIM NA KAHAPON

MADILIM NA KAHAPON

Isang lihim na matagal nang itinago ng Ina ni Brenda ang maisawalat mismo sa araw ng lanyang kasal at kaarawan pa man din niya. Isang nakatagong lihim na nakakapanggilas kahit sino ang makakarinig at makakaalam. Ano kaya ang mangyayari kapag malaman na ni Brenda ang tunay niyang pagkatao.
109.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nilimot Na Alaala

Nilimot Na Alaala

MATURE CONTENT/R18 Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.
106.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Sa Aking Pagbabalik

Sa Aking Pagbabalik

Piscean TigerSweet
Kahit mahirap, pipilitin ni Cherry na palakihin mag-isa ang anak kesa ikasal sa lalaking pinakamamahal. Alam nyang ang kapatid na si Joanna ang iniibig nito at natukso lamang sila kaya't nangyari ang pagbubuntis nya....
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Lihim na pagkatao

Lihim na pagkatao

Mark Lester De lima,ang natatanging personalidad sa likod ng di mapapantayang katungkulan at kayamanan.Ngunit pilit na itinatago sa karamihan at pinananatiling mababang personalidad.Palaging inaapi,kinukutya at pinagtatawanan ng karamihan,paano niya ihahayag sa lahat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kung walang naniniwala sa kanyang kakayahan lalo na ang kanyang katayuan sa buhay.Tuklasin ang kanyang mga hakbang kung paano niya mapapanatili ang kanyang matibay na katayuan at pagpapalawig ng kanyang kayamanan upang sakupin ang maraming lugar sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at pamumuno ng hindi inilalantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.Sa kabila ng maraming pagsubok at makakaharap na maimpluwensiyang karakter,anong mga hakbang ang kanyang gagawin?
104.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dito, Dito Sa Puso Ko

Dito, Dito Sa Puso Ko

"You remind me of someone so dear to my heart...." -Syke Rafael Fontanilla Si Syke Rafael Fontanilla na yata ang pinaka-masungit ngunit gwapong lalaking nakilala ni Wevz. Nakahanda siyang tulungan itong baguhin ang pananaw sa buhay. Ngunit paano niya magagawa iyon sa isang taong ayaw bumitiw sa ala-ala ng nakaraan? At paano kung siya ang nagbi-bigay buhay sa nakaraan na iyon?
1027.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Matagal ding nagtiis si Sarah Joy mula sa pantataksil ng kanyang asawa na si Derick Dane at pang aalipusta ng kanyang mga in-law bago siya tuluyang magdesisyon na makipag divorce. Bandang huli, lubos na pinagsisihan ni Derick ang naging divorce nila ni Sarah dahil noon niya lang din nalaman na ang binabalewala niyang dating asawa ay walang iba kundi ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Ilang taong tinago ni Sarah ang kayang tunay na pagkatao mula sa kanyang ex-husband at sa pamilya nito. Sa sobrang pagkadesperado, ginawa ni Derick at ng kabit nito ang lahat para malimas ang mga ari-arian ni Sarah. Ngunit ang lingid sa kaalaman ng mga ito, si Sarah pala ay tinutulungan ng dalawang sobrang gwapo at yamang mga lalaki. Ano kaya ang magiging ending ng love story ni Sarah? Mahahanap niya kaya ang kanyang true love?
1069.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
HIRAM NA SANDALI

HIRAM NA SANDALI

SPG ALERT Si Sofia Gonswalo ay isang Waitress sa isang sikat na restuarant,Laki siya sa hirap,Pero kahit na ganun nakapagaral pa rin siya ng koleheyo hanggang sa makapagtapos ito at magkaroon nga ng trabaho sa isang Restaurant bilang waitress.Sarili niyang pawis at pagod ang naging dahilan ng kanyang pagtatapos,At sa kanyang pagtatapos. "Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari sa kanya. "Ramdam na ramdam ni Sofia ang malambot na kama na kinahihigaan ng kanyang katawan. Imumulat na sana niya ang kanyang mga mata nang marinig niya ang isang gwapong boses ng lalaki,habang ramdam na ramdam niya ang kamay na nakahawak sa mga kamay nito. Habang ang lalaki ay panay ang kanyang hikbi habang sinasabi ang katagang: "Asawa ko, please gumising kana,namimis ka nanamin ng iyong anak,ilang buwan kanang nakaratay sa higaang yan,hindi mo ba kami namimis ng anak mo?",Ang malungkot na may halong lambing sa boses ng lalaki na kanyang naririnig,Habang hinahalik halikan ng lalaki ang mga kamay nito. Basta pag-gising ko,Nasa ibang katauhan na ako at ang malala pa nito,May asawa at anak na ako. "Wala akong ma-alala ni katiting sa mga nangyayari,kung ito ba talaga ang itsura ko o Hindi,o talaga bang may asawa at anak ako? Hindi ko alam! Ang saad ni sofia. kakayanin kaya ni sofia na gampanan ang pagiging asawa at ina sa Mag-amang Buenavista. Gayong wala naman siyang alam o ma-alala sa kanyang sarili na may asawa at anak na ito. Lalong lalo na Sa Angkan ng pamilya Buenavista.
102.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
15
DMCA.com Protection Status