Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Silent Billionaire

The Silent Billionaire

Madeson-Luke Salazar ang tunay na pangalan ni Lucas ang kaisa-isang tagapag mana ng pamilya Salazar ang lahat ng ari-ariang naiwan ng yumao niyang ama na hindi man lang nito nasilayan. Isang proposal ang inalok ni Lea kay Lucas na tinanggihan naman ng binata. Sa kalaunan ay nagsisi din ang binata sa pag tanggi sa alok ng dalaga. Napag tanto ng binata na mahal niya pala ang babaeng tinanggihan niya. Si Leah Martinez ang kababata ni Lucas na labis ang pagmamahal sa binata hindi nito ikinahihiya ang pagka gusto nito sa binata. Dahil sa kabiguan sa binata ay lumayo ito upangangibang bansa at makalimot sa binata. Nagbalik si Leah na may asawa na ito si Noel at labis ang pag hihinagpis ni Lucas dahil hindi na niya maaaring mahalin ang babaeng matagal niyang hinintay sa loob ng ilang taon kaya naman ay ibinaling niya ang pagtingin sa ibang babae. Umosbong ang bangayan sa pagitan ni Leah at Noel. Ang resulta nagulo ang mundo ng dalawa. Isang trahidya ang naganap sa buhay ni Leah at ng kanyang Asawa na si Noel. Natuksalan ni Lucas na isa pala siyang Ampon ng mag asawang Remi at Isko at ang totoong magulang nito ay isang mayaman at siya ang kaisa isang tagapag mana ng Billionaryong si Luis Salazar. Nagka amnesia si Leah kaya naman ay hindi niya nakilala ang binata, subalit habang hindi niya naalala ang binata ay lihim na niya ito minahal na hindi alam ng binata. Mapa ibig pa kaya ni Lucas si Leah sa puntong malaman ng dalaga na dati niya na pala ito inalok ng kasal. Ang dating Leah Martinez ay kilala ang mahirap na si Lucas, ngunit ang bagong leah ay kilala niya ang binata na bilyonaryo. Kaya bang ipag tapat ng binata sa kanya na isa pala siyang billionaryo?
Romance
108.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

red_berries
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
Romance
661 viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge (The Unexpected Virgin)

Revenge (The Unexpected Virgin)

Isang ulirang anak si Kisses at lahat ay gagawin para sa kanyang ina at kapatid. Kahit kapalit pa nito ay puring pinaka ingat ingatan niya. Samantalang si Xander na kilala sa pagiging mabait, pasensyoso at napakayamang lalaki ay magiging isang dimonyo ng dahil kay Kisses. Gagawin niya ang lahat mapahirapan lang ang dalaga sukdulang maging alipin niya ito habang buhay. Sumumpa naman si Kisses na ano man ang mangyari ay hindi siya iibig sa isang dimonyo na nagsamantala at nag pakasasa sa kanyang katawan.
Romance
1025.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Dangerous Seannah

Dangerous Seannah

COFFEREIMXTR
Lumaki sa mayaman na pamilya. Kilala bilang isang Royal Family. Kilala si Seannah, bilang isang Royal Princess dahil sa pagiging mafia ng kaniyang mga magulang. Ang inaakala ng lahat na magandang buhay na mayroon si, Seannah ay malaking kabaliktaran pala sa totoong buhay. Inakala rin ng lahat na isang mahina at isang walang kwenta si, Seannah. Ngunit ang hindi nila alam ay may malaki pala itong sikreto na tinatago at kaunti pa lamang ang nakakaalam. Isang sikreto na magpapagulat sa lahat at kahit sa sarili niyang angkan.
Mystery/Thriller
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Dr. Billionaire

Chasing Dr. Billionaire

Tintin & Andrew Love story -- from YOUR HERO YOUR LOVER 17 years old pa lang si Tintin ay crush na crush na niya si Andrew. Nagnurse siya upang mapalapit sa lalaki na noon ay nag-aaral pa lang ng kursong medisina. Hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang nararamdaman ng dalaga sa kanya ngunit masyadong bata pa ang tingin niya dito. Samantalang gagawin ni Tintin ang lahat upang mapa-ibig niya si Andrew ngunit hanggang kailan niya susuyuin ang binata lalo na ngayon na dumating ng ang ex-girlfriend ni Andrew?
Romance
9.8412.6K viewsOngoing
Show Reviews (56)
Read
Add to library
bunchf05
Hindi ko tlga matiis na wag silipin sina Gray at Gigi. Hindi ako mahilig mgbasa ng mga incomplete stories pero dito sa mga stories ni Miss Kara di ko tlga mapigilan na hindi makiki-update. Hayss... Sis masyado mo namang ginalingan, ayon di nako mkapaghintay.Sumayaw na ang dalawa sa imahinasyon ko ;)
Sanya de Dios
Hands down! Best author ka Ms. Kara. Ibang iba ang style mo sa lahat ng nabasa ko na. Youre brave enough to take a risk of writing something different.Other authors should read your novels and learn from you to see kung ano ba ang example ng unique story.hindi yung halos parepareho na lang
Read All Reviews
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
177 viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Sinner

Sweet Sinner

WARNING: [R18] STORY WITH EXPLICIT CONTENT Sa pagtakas ni Mia mula sa malungkot na buhay na ibinigay sa kaniya ng demonyo niyang kinakasama na si Bernie, isa lang ang hangarin niya. Ang magbagong buhay. Ang maging lubusang masaya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita ni Erik. Si Erik ang unang lalaking minahal ni Mia. Isang uri ng pagmamahal na siya at ang hangin lamang ang nakakaalam. Dahil hindi niya iyon naipagtapat sa binata noong mga bata pa sila. Hindi nawala sa puso niya ang pagmamahal na iyon. Dahil sa loob ng mahabang panahon, aminado siya na ito lamang ang lalaking minahal niya. At iyon ang dahilan kaya nagagawa niyang ibigay kay Erik ang sarili niya. Nang paulit-ulit, kahit pa wala silang relasyon, kahit wala itong sinasabi. Masaya siya at totoong nakakalimutan niya si Bernie sa mga pagkakataon na kasama niya ang binata. Alam niyang hindi titigil si Bernie makuha lamang siya nito. Pero wala narin namang silbi sa kaniya ang buhay niya dahil para sa kaniya patapon na iyon. Kaya bago pa man madamay si Erik sa problema niya, mas nanaisin niyang mamatay nalang.
Romance
433 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Husband's Comeback

The Husband's Comeback

Yurikendo
Naging sunod-sunuran si Julian sa nais ng kaniyang stepmother at half-brother simula pagkabata. Lalo pa itong bumigat nang mamatay ang kaniyang ama. Nagkaro'n siya ng asawa'y anak ngunit hindi na tumaas pa ang estado ng kaniyang buhay pagdating sa pagiging Kordal niya. Mas lalo pa itong sumaklap nang malaman niya na may relasyon ang asawang si Alice sa kapatid na si Harold. Ngunit wala nang sasakit pa nang ang buhay na niya ang naging kapalit ng kanilang kasakiman sa pera't kapangyarihan. Namatay si Julian sa gabi ng kaniyang kaarawan. Hanggang sa... Nagising siya isang umaga sa kaniyang dating silid sa kanilang mansyon, at nasa kaniyang ika-labing walong taong gulang pa lamang. Nakabalik siya sa panahon kung saan ay sinusuyo pa lamang niya ang kaniyang asawa. Pero sa kabila nang lahat ng nangyari sa kaniyang buhay ay handa ba siya na si Alice parin ang piliing maging asawa? Hahayaan pa rin kaya niya na apihin siya ng kaniyang tinuring na pamilya? O lalaban siya't babaguhin ang kaniyang tadhana?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
WAY BACK HOME

WAY BACK HOME

Maria Christina Carvajal famously known for her screen name Christine Carvajal is a phenomenal superstar, ngunit matapos ang isang masalimuot na eskandalo ay napilitan si Christina na makipaghiwalay sa on and off screen partner na si Andrei. To give herself a break ay bumalik siya sa Poblacion, ang lugar kung saan siya nagsimulang mangarap.
Romance
459 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status