Craving For Love
Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman.
Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica.
Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya.
Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
1010.2K viewsOngoing