The Billionaire’s Secret Bride
Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan.
Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo.
Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan.
Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack.
Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag.
Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan?
Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.