Chasing Solace
[Salfuego Girl's Series #1] Pamela Salmonte is the breadwinner of her family. Siya rin ang pangunahing provider, lalo na sa mga kapatid niyang nag-aaral at sa kanilang ina na may sakit. Swerte siyang nakapasok sa isang malaki at kilalang hotel, ang Salfuego Palace, kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.
Siya ang tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng pamilya, kahit na hindi niya mabili ang mga bagay na kailangan niya para sa sarili. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad, may boyfriend siya, isang Japanese na si Albie Yuan Hiroshi.
Masaya na siya kahit paano dahil sa pagkakaroon ng isang understanding na boyfriend na laging nasa tabi niya. Pero mali ang akala niya, dahil ang inaasahan niyang marespeto at gentleman ay kabaligtaran pala sa tunay na ugali nito.
Nang malaman niya ang totoo, she breaks up with him right away. In the middle of her heartbreak, she crosses paths with the hotel owner, Drevin Onyx Salfuego.
Habang nakakasama niya si Onyx, hindi inaasahan ni Pamela na mapapalagayan niya ito ng loob. Sa kabila ng mga sakit at pagtitiis niya sa pamilya, tila nakahanap siya ng totoong tahanan, sa mismong tabi ni Onyx.
But she didn't know, being with Onyx would bring her even more heartaches.
138 viewsOngoing