Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Boss Twin Babies

Her Boss Twin Babies

Si Laura ay isang babae na namulat sa madumi at magulong buhay sa lansangan. Maagang naulila sa magulang kaya mag-isang nilalabanan ang hirap ng buhay, ngunit hindi nagpatalo ang musmos niyang katawan at pag-iisip. Gamit ang sariling pagsisikap at diskarte sa buhay, iniahon niya ang sarili mula sa lugmok na kapalaran. Ngunit sa kasabay ng pag-angat ni Lara ay ang pag-pasok ni Eugene sa kaniyang buhay, na hindi nagtagal ay inibig narin niya. Ang nararamdaman niyang ito ay maghahatid sakaniya ng isang malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na babaliktad sa mundo niya at labis na dudurog sa pagkatao niya. Nakahanda ba siyang ipag-patuloy ang pag-ibig sa taong may may mahal pang iba? Handa ba siyang tumayong Ina para sa anak na nagmula sa babaeng kaagaw niya?
Romance
1055.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Mistake Vs Lies

Mistake Vs Lies

Rty
Sa paglipas ng ilang taon ay umasa si Hanna na mapapatawad siya ng kanyang asawang si Dan sa isang kasalanan na lubos lubos na niyang pinagsisihan, at manunumbalik ang dati nitong pagmamahal sa kanya kaya tinitiis niya ang lahat ng pananakit nito sa kanya dahil ang alam niya ay bugso lamang iyon ng galit nito dahil sa nagawa niya. Ngunit nadiskobre niya ang isang kasinungalingang matagal nang inilihim ng kanyang asawa sa kanya na nagpabugso ng matinding galit na naging dahilan ng tuluyang pagkasira ng kanilang pagsasama.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss

Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss

Tatlong taon na nagbulag-bulagan si Luna Pineda sa pagtataksil ng kanyang asawang si Ralph Camero, ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa lungsod. Ngunit nang mabunyag kung sino ang kerida nito, pakiramdam niya ay naiputan siya sa ulo. At ang kabit nito? Walang iba kundi ang sariling hipag niya! Sa mismong ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, hindi halik o regalong mamahalin ang iniabot ni Luna… kundi annulment papers. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng pag-ibig na inalay niya sa asawa. Ang tanging hiniling ni Luna ay makalaya at magsimulang muli. Ngunit paano niya magagawa iyon kung ang isang lalaki mula sa masakit niyang nakaraan ay biglang bumalik—handang guluhin ang puso at kinabukasang pilit niyang binubuo?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong

FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong

Sa kagustuhan ng sariling ama na sundan ang kaniyang ina na nasa ibang bansa, ay nagawang iwanan ang maliit na paslit na si Aira sa isang kaibigan nito na kilala bilang isang matikas at batikang CEO ng Gomez Corporation at gobernador ng buong Masbate. Sa ilang taon na lumipas, sa isang pagkakamali ay biglang nagbago ang pagtingin ni Aira sa kaibigan ng Ama. Dahil lamang sa pagsibol ng mainit na gabi ay lalong lumalalim ang lihim na pagtingin. Ngunit mananatili kaya ang kaniyang lihim na pag-ibig para sa Ninong niya ng malaman na ikakasal na ito? Ilalaban niya ba ang pagtingin? O susuko na lamang at tanggapin na hanggang doon na lamang ay kayang ibigin ang lalaking minsan ng umangkin sa kanya?
Romance
59 viewsOngoing
Read
Add to library
Seeking For His Heir

Seeking For His Heir

DimpleEver
Princess Symphony Tejana came from an average and simple family, she's being hate by her own mother dahil sya ang sinisi nito sa pagkamatay ng kanyang ama. Kinailangan nyang suportahan ang sarili upang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng pait ng kanyang kapalaran. Mabuti na lamang at palaging nasa tabi nya si Arc, ang kanyang bestfriend. Archie Damian Esquivel, a hot bachelor at his age, he's been very obidient to his parents. Ngunit dumating ang puntong nagsawa na syang sundin ang kagustuhan ng mga ito, dahil kahit na ang pagpili ng kanyang mapapangasawa ay pinanghimasukan na ng mga ito, kaya naman napilitan syang umalis sa poder nila at iwan ang karangyaan. He lived independently at naging masaya sya kasama ang matalik na kaibigan. Ngunit tila napasukan ng masamang hangin ang utak ng kanyang kaibigan. She wants to have a child, but don't want to have a relationship with any man. At sya pa talaga ang pinapahanap nito ng lalaking pwedeng makasama hindi lamang isang gabi, kundi hanggang sa makabuo ito ng sanggol sa sinapupunan nito. Will he allow the craziness she had in her mind? Papabayaan nya bang basta na lamang anakan ng kung sino ang babaeng pinahahalagahan nya na higit pa sa sariling kapatid? Dahil sa pag-aalala sa kabaliwan na naisip ni Pris ay nawalan sya ng choice kundi i-offer ang sarili sa dalaga. It would be better kung sa kanya manggagaling ang semilyang itatanim dito. Magtatagumpay ba ang kanilang gagawin para sa sariling kapakanan ni Pris? Kung magkakaanak nga sila, Is he willing to be treated only as co parent? No strings attached. Papayag ba sya sa gusto nito na angkinin ang anak na sarili nya lamang, mula sa apelyido hanggang sa pagbuhay dito? As if he never contributed anything to their child?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebound Love

Rebound Love

Si Leina, matagal na niyang gusto si Matt pero may girlfriend ito, ngunit nang magpropose si Matt kay Ria ay tinanggihan siya nito at nakipaghiwalay sa kanya, si Leina ang naging karamay niya nang gabing yun, at dahil dun naisip ni Matt na gamitin si Leina para kalimutan si Ria, niligawan niya ito at kahit ramdam ni Leina na ginagamit lamang siya ni Matt ay sinagot niya ito, kahit hindi normal ang relasyon nila bilang magnobyo ay tinanggap ni Leina dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Matt, pero paano kung bumalik si Ria? Paano si Leina? Hindi ba talaga siya minahal ni Matt kahit kaunti? Hanggang saan dadalhin si Leina ng pagmamahal niya kay Matt?
Romance
86.2K viewsCompleted
Read
Add to library
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Hot Billionaire Admirers

Her Hot Billionaire Admirers

Odyssey
Sa simula palang ay hindi na maganda ang impresyon ni Kathrina sa kapitbahay nilang si Dandreb. Lalo siyang nainis dito ng bansagan siya nitong “Manang”. Feeling close e bakasyonista lang naman ito sa kanilang lugar. Pero sa tuwing magkakatinginan sila ng binata at matitigan niya ang maganda nitong mga mata ay gusto yata niyang i-close ang sarili rito. Kahit inis na inis na siya ay hindi niya napigilan ang sariling magkagusto sa aroganteng binata. Lalo na nang ligawan siya nito. Hanggang sa magkaroon ito ng karibal sa panliligaw sa kanya ng dumating ang first love niyang si Chad. Kasing hot din ito ni Dandreb at talagang tumatak ito sa puso niya noon. Biglang nalito si Kathrina. Because she and Chad a ‘thing’ way back. She knew she needed to choose....
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Moon Star "The Lucky Stripper"

Moon Star "The Lucky Stripper"

LichtAyuzawa
They said what happened in the past stays in the past! Yun sana ang gustong mangyari ni Angelina. A 28 years old girl who came from a poor family na tubong Cagayan De Oro City na napilitang manirahan sa maynila. Angelina is always optimistic in life, mayroon siyang mga katangian na hindi mo makikita sa iba kagaya ng kagandahan, kabaitan at kasipagan pero sa kabila ng mga magagandang katangian niya ay nagkukubli ang masalimuot na nakaraan na pilit niyang tinatakasan at itinatago sa lahat. Pero may kasabihan nga na kung wala kang natutunan sa iyong nakaraan ay patuloy ka nitong hahabulin at babalikan. At yun ang nangyari kay Angelina nung makilala niya sa bar ang isang estranghero sa katauhan ni Carson Constantine 29 years old at isang mayamang binata at palaging seryoso na may-ari ng 3C's Industry ang nanakaw sa puso ni Angelina na puno ng pait at sakit pero sadyang mapaglaro ang tadhana ng makilala niya ang kapatid nitong si Cray Constantine 28 years old a jolly person and a co-owner of 3C's Industry na hindi sukat-akalain ni Angelina na mamahalin niya ng tunay kagaya ng pagmamahal niya sa kapatid nito, kaya naman ang couple love story lang sana ni Angelina at Carson ay naging two in one dahil kay Cray.   Pero bawat kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan at ang nakaraan na pilit niyang tinatakasan ay muli siyang binalikan ng dahil sa isang pangyayari. Pangyayaring susukat sa tatag ng pagmamahal niya sa magkapatid.      
Romance
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status