Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
378 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
Romance
9.8327 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Cold Billionaire's Ex-Wife

The Cold Billionaire's Ex-Wife

Buong akala ni Amara, dahil sa mabait at mabuti siyang asawa ay makukuntento sa kaniya ang kaniyang asawa, ngunit sa kabila ng pagiging isang mabuting asawa nito ay nagawa pa rin siyang lokohin at paulit-ulit na saktan at patayin ang puso ng kaniyang pinakamamahal na asawa. Pinag tagpo ng tadhan ang landas ng dalawa sa isang sikat na Unibersidad sa sa kalakhang Maynila at pareho silang nag-aaral bilang College student. Si Amara ay transferee na freshman, habang in-coming graduated student naman si Andrew na heartthrob sa campus at kilalang numero unong playboy at mapag laro ng damdamin ng babae. Dahil na rin sa nababalitaan ni Amara sa ibang kapwa mag-aaral tungkol kay Andrew, pinangako niya sa sarili na hinding hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking 'yon. Kaya naman sa tuwing nakakasalubong niya ang lalaki para na lang siyang sinisilaban sa galit kaya parati niyang binabara ang lalaki at walang araw na dadaan na hindi sila magba bangayan. Hindi rin maintindihan ni Andrew kung bakit ganoon ang dalaga sa kaniya sa tuwing magkikita sila sa hallway o kahit saang parte ng paaralan. Para siyang dragona na magbubuga ng apoy ng anumang oras, pero sa iba napaka bait ng pakikitungo nito, taliwas ng pinapakita nitong ugali sa kaniya. Parati itong naka singhal at kino kontra ang mga gusto niya. Ngunit sakabila ng lahat naging masigasig sa panliligaw si Andrew sa dalaga, sa kabila ng lahat pinakita niya at pinatunayan sa babae na karapat dapat siya dito ngunit sadyang mailap talaga ito sa kaniya. Hanggang sa nag bunga ang panunuyo nito at nakuha ang matamis na OO nito. Ngunit ang masayang pagsasama ng dalawa ay may ka akibat na kalungkutan. Sa pagpasok ni Madison, ano kayang papel nito sa buhay nila. Siya ba ay isang kaibigan o mortal na karibal???
Romance
1015.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Hidden Wife

The Billionaire's Hidden Wife

SAMPUNG TAON... Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya. Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap niyang panaginip. "Finally, matatawag ko na ring Nicole Saavedra ang aking sarili nang walang halong pag-aalinlangan. Siguro oras na para anihin ko ang bunga ng pagsisikap ko bilang butihing maybahay ni Noah," aniya saka napangiti sa kinatatayuan. Dalawang taon ang lumipas magmula nang ikasal si Nicole sa bilyonaryong apo ng lalaking kumupkop at nagpalaki sa kaniya. Hindi masukat ang tuwang naramdaman ng puso niya nang mga oras na iyon hanggang sa alukin siya nito ng isang kasunduang maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon oras na manatiling walang apoy ang kanilang pagsasama. Sa kabila noon, ginawa ni Nicole ang lahat upang maging mabuti at mapagmahal na asawa habang hindi rin naman ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang prebelihiyo bilang misis nito. Muntik na nga nitong makalimutan ang kasunduan dahil naramdaman niyang tunay na ang ipinapakita nila sa isa't isa. Ngunit sa kaniyang kaarawan, isang annulment paper ang natanggap nitong regalo mula sa asawa. Dahil sa malungkot na balita ay nawalan siya ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa anghel na nasa kaniyang sinapupunan. Sinubukan nitong alamin ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng asawa hanggang sa tuluyang gumuho ang mundo niya nang malamang balak palang balikan ni Noah ang babaeng muntik na nitong pakasalan five years ago. Magagawa niya kayang iwan si Noah kung wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang? Paano kung kailangan niyang maging lihim na asawa nito kapalit ang pananatili at pagiging responsable nitong ama sa kaniyang ipinagbubuntis?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito. Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong hindi matatakasan. Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanilang mga puso sa isang bagay na hindi nila lubos akalain na mangyayari.
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status