Starting Over Again With The Twin's Daddy
Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit.
Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita.
“Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.”
Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon.
Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
45 viewsOngoing