THE BLIND BILLIONAIRE
“I don't love you. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at alam mo ito.”
- Audric Villanueva
“M-maghihintay ako. Maghihintay ako na darating ang araw na matutunan mo akong mahalin. Hindi ako m-mapapagod na hintayin ang araw na iyon, at kung s-sakaling mapagod man ako, magpapahinga lang ako at muli kang mamahalin ulit, Audric.”
- Ffion Sacueza
•••••
Isa lang naman ang gusto ni Ffion, ang mahalin ang asawa niya araw-araw kahit sobrang imposible na matugunan ito. Oo, mag-asawa sila pero sa papel lang ito dahil ang totoo, hinding-hindi siya kayang mahalin nito.
Isa pa, paano siya magagawang mahalin ni Audric?
Lalo na't muling bumalik at pumasok sa buhay nito si Ivony, ang babaeng totoong mahal ng lalaki. Ang babaeng dapat sana ay nasa katayuan niya bilang asawa nito. Ang babaeng pinakamamahal nito.
Buntis ang babae.
Magiging isang masayang pamilya na ang mga ito.
Habang siya? Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang lumayo kahit dala-dala niya sa sinapupunan ang isang gabing inangkin siya ni Audric.
Kailangan niyang lumayo kahit parang hinihimay-himay ang kaluluwa niya sa sobrang sakit. . .
1074.7K viewsOngoing