Maid Ako Ng Amo Ko
Fara Fabulosa, 21 years old, anak mayaman at nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Fara ay may kulang pa rin sa kanya. Oo napapalibutan nga siya ng maraming magagarang kagamitan, alahas at pera. Ngunit walang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Dahil sa isip niya ay pera lang ang habol sa kanya ng mga lalaking nagkandarapa sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa pilitin na siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit bago mangyari iyon, gumawa na nang paraan si Fara. Tumakas siya sa bahay nila dala ang kaunting damit at perang naitabi niya.
Pumasok na katulong si Fara. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang magiging amo niya ay ubod ng strikto at sungit. Siya si Reyman Fernandez, ang lalaking hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin. Ngayon lang siya nakahanap ng lalaking katulad ni Reyman.
Paano niya haharapin ang panibagong mundo niya? Makakaya ba ni Fara ang ugali ni Reyman? O baka susuko na lang siya at tuluyan ng magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala.
Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata sa buhay ni Fara Fabulosa.
25.0K DibacaOngoing