The Condemned Son In Law (Tagalog)
"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael.
Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto.
May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
95.3K viewsOngoing