Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1027.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Touch Me and You're Dead

Touch Me and You're Dead

Simula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siya sa italiano na matanda. Naisip ni Hilda hindi nagba-bound sa dugo at laman ang pagmamahal. Pinili ng ama ni Hilda na ibenta siya— dugo niya at laman para mailigtas ang step sister niya na ni walang isang patak ng dugo galing sa ama niya. Umalis si Hilda at tumakas sa kapalarang inilatag sa kaniya ng sariling ama. Hinanap nito ang kalayaan sa italy. "Saan ba ako nagkamamali?" ani ni Hilda na ngayon ay hawak ang ulo habang nakatitig sa pregnancy test na hawak. She marely survive by little lucky of hers and now— may isa pa siyang buhay na kailangan protektahan. "Hindi nga ako sigurado sino ang tao na nakasama ko sa kwarto." May pagkakautang siya na need bayaran kay Arthur Cage Nicastro kaya tinanggap niya ang mission na bantayan ang anak nito na si Aron Nicastro. But during mission may nangyari na aksidente. Lasing siya 'non at ang huling nakasama niya ay si Aron Nicastro. "Importante ba sino ang ama?" bulong ni Hilda tapos sumandal sa sofa. Walang buhay ang mga mata na tiningnan mabuti ang pregnancy test. "If nag-fail ang mission, nakahanap ako ng opportunity at the end— if gusto ko mabuhay. Kailangan ko ulit tumakas at wala ako balak iwan ang bata na ito. Sino 'man sa dalawang Nicastro ang ama."
Romance
6.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

Limang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
Romance
10798 viewsOngoing
Read
Add to library
Our Unexpected Love Story

Our Unexpected Love Story

author_aii
Janine Mendoza is a very obedient daughter. She doesn't know how to lie in her parents and she value family among all. Maayos na sana ang buhay niya kung hindi lang siya napalapit sa lalaking lagi niyang kabangayan at naging paborito siyang asarin-Gemar dela Cruz. Nang dahil sa lalaki ay natuto siyang magsinungaling at sumuway sa magulang. Handa na sana niyang ipaglaban ang pagmamahal niya sa lalaki kung hindi lang nalantad ang sekreto ng kanilang pamilya. Isang sekretong sapat na para makasira sa tiwala't pagmamahal niya. Maniniwala ba siya sa nalaman niya o magpapatay malisya lang siya? Kaya ba niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kung sa mata ng pamilya nila ay maling magpatuloy pa? Feelings niya laban sa pamilya, kaya niya ba?
YA/TEEN
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

Sa isang lungsod na puno ng mga kontraste, dalawang tao mula sa magkaibang mundo ang nagtagpo. Si Hendry, isang sikat at makapangyarihang billionaire, ay nabubuhay sa mundo ng luho at tagumpay. Subalit, may isang bagay na nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga mayayaman-siya ay pilay. Dahil sa isang aksidenteng hindi nya inaasahan, si Hendry ay gumagamit ng wheelchair, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makamit ang mga pangarap at maging isa sa mga pinakamatagumpay na tao sa negosyo. Sa kabilang banda, si Sienna ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya sa isang maliit na baryo kung saan ang bawat sentimo ay mahalaga. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Sienna ay matiyaga, matalino, at puno ng pangarap. Nagtrabaho siya nang husto upang makapag-aral at umahon sa kahirapan. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pagkikita nila mula sa isang simpleng pagkakataon tungo sa isang malalim na koneksyon. Sa gitna ng mga hamon ng kanilang magkaibang mga mundo, natutunan nilang magtulungan at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Si Hendry ay nakita ang lakas at pag-asa sa hirap ng buhay ni Sienna, habang si Sienna naman ay natuto mula sa tapang at talino ni Hendry sa pagharap sa mga pagsubok.
Romance
656 viewsOngoing
Read
Add to library
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
One Lust Love

One Lust Love

D.A.Salcedo20
Yza Chrizelle Ardiente ang nag-iisang anak ng isang kilala at respetadong businessman. Tanging tagapagmana ng “ Cuisine Na’Ton” an authentic Ilonggo restaurant na itinayo pa ng kanyang Great Grandfather. Pinalago, pinayaman at kinilala ng buong bansa sa sunud-sunod na henerasyon. Until it's legacy now, run by his father and still continues it's fame not only in Iloilo but worldwide. Lumaki siya na hindi nawawala ang paghanga at pagtingin para kay Kem Hallison Cordova na anak ng bestfriend ng kanyang mommy. Pero sa huli ay nakuha rin nito ang inaasam na atensyon ng lalaki hanggang sa napagtagumpayan niyang makuha lalo ang loob tsaka pagmamahal na hinahangad at inilihim niya sa matagal na panahon. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang pagmamahal at atensyon para kay Kem pero sa huli, isang laro lamang ang lahat dahil si Mocha Louise pala ang pakakasalan nito. Labis siyang nasaktan, pakiramdam niya ilang ulit tinapak tapakan ang kanyang pagkababae kaya bumangon siyang muli to take revenge. Naging mapaglaro sa lahat ng mga lalaking nanliligaw sa kanya. Dahil d'yan tinagurian siyang “Relation Sucker, Bitch, Destroyer etc.” She became wild, bold and famous playgirl in town but never been touch by anyone. She had this pretty face kaya di nya kailangan pahirapan ang sarili para lumandi sa kanila. Naging mapaglaro sa pag-ibig, at hindi pinag-isipan ang maging resulta nito sa huli. Pero wala ng panahon para umatras pa because she’s expecting a return. She didn’t fail though, she felt that he's still in love with her, the way she was loved and cared for before, by her beloved Kem. Not that before someone ruined their relationship. Are they still the one who meant for each other? Kahit pa naging komplikado man ang kanilang sitwasyon ngayon. But Yza Chrizelle once said. “She’ll get what she wants by hook or by crook.”
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
To Serve And To Protect Your Heart

To Serve And To Protect Your Heart

“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
Romance
9.623.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
978 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status