Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Still Loving You (Tagalog Completed)

Still Loving You (Tagalog Completed)

makapaniwala si Kobe na sa isang iglap, biglang siyang ikakasal. Kasalukuyan na ini-enjoy palang niya ang pagiging malaya dahil sa kaka-graduate pa lang sa kursong kinuha nito. At wala pa siyang balak na pwersahin ang sarili sa trabahong binibigay ng kanyang ama. Isang hindi kilalang babae ang pakakasalan ni Kobe, na ni minsan ay hindi pa niya nakilala. Hindi rin niya matandaan sa mga naging babae nito ang babaeng pakakasalan. Napuno ng galit ang dibdib pati na ang isipan lalo na ang malaman ang mga kasinungalingan ng babae, kaya para makaganti 'ay sasaktan niya ito ng labis. Para kay Camilla, isa mang kabaliwan ang kanyang ginawa hindi naman niya 'yun pinagsisihan dahil nakilala niya ang isang Kobe Herrera.
Romance
9.8100.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Keeping The Billionaire's Twins

Keeping The Billionaire's Twins

Sa buhay maraming beses kang magmamahal pero may isang taong hindi mo makakalimutan. Isang taong mag-iiwan ng marka sa puso mo. Hindi man siya ang makakatuluyan mo pero mananatili siyang parte ng buhay mo. Bata pa lang, pangarap na ni Ava na balang araw, maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Nagsumikap siyang mag-aral para matupad ang pangarap na 'yon. Ngunit ganoon na lang pagkasira ng lahat nang makilala niya ang lalaking magpapa-ibig at wawasak sa kanyang puso. She felt tired, devastated, betrayed and heartbroken after malaman na ang lalaking pinagbigyan niya ng lahat-lahat ay pinaglaruan lang pala siya. How do you forgive someone who has caused you pain? How do you forgive someone who never asked for forgiveness? Is love strong enough to let go and forgive?
Romance
9.9102.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Loving, Mr. Chef

Loving, Mr. Chef

Isang simpleng babae si Beatrice Vallencia na lihim na nagmamahal kay Jefferson Griffin. Isang sikat na Chef, makisig at higit sa lahat babaero. Pero nabago ang lahat simula ng makilala niya si Caye Flores na buong akala niya ay ito na ang mamahalin niya habang buhay. Nagbago ang lahat noong gabi na may nangyari sa kanila ng babae na hindi niya maalala ang mukha. Mahahanap kaya niya ang babae? Paano kapag nalaman niyang si Bea ito? Mapapa-sakanya kaya ito kung pag-aari na ito ng iba? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Romance
1054.6K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Annoying Assistant

The Billionaire's Annoying Assistant

Para mabuhay ang mga batang tinuturing na niyang kapatid. Nag-apply si Petra ng trabaho sa isang malaking kompanya. Nakuha siyang assistant ng arogante at mapaglarong CEO na si Joshua. Maayos naman ang lahat sa trabaho, kahit na minsan ay gusto niyang pilipitin ang leeg ng loko-loko niyang amo. Hanggang sa isang araw, ang pinakatago-tago niyang sikreto ay nabunyag. Dahilan para masisante siya sa trabaho at mawala sa buhay ng binatang amo na nagkaroon na ng parte sa kaniyang puso.
Romance
1052.0K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Maid For You

Maid For You

Kasambahay ang pinasukan niyang trabaho ngunit dahil sa isang pagkakamali, isa na siya ngayong Maybahay. Kilalanin si Estrella Dominguez, ang probinsyanang handang makipagsapalaran sa siyudad para sa paghahanap ng trabaho ngunit dahil sa ka-mangmangan, napasok siya sa malaking gulo na babago sa takbo ng buhay niya. Kailangan niyang pakasalan si Sebastian Martinez, ang boss niya sana pero sa isang iglap, magiging asawa na pala niya. Kasal na sila ngunit hindi mahal ang isa't-isa. Posible kaya itong magbago at mauwi sa pagmamahalan o baka naman sa huli ay deborsyo ang kahinatnan?
Romance
10104.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
Romance
1053.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Stay with Me

Stay with Me

It was just a one-night mistake, and their lives changed forever.   Could love blossom in a way that you never expected?
Romance
9.787.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Im Inlove With My Nanny?

Im Inlove With My Nanny?

"I'm glad you're not my past, but I want you to be my present. And only you in the future until it last Zafy." Zafira Mejia is a run away seniorita of Rancho Mejia at ang nag-iisang anak nina Don at Donya Mejia. She was born with a golden spoon, at ultimo pagsalin ng tubig ay may gumagawa para sa kaniya. Nagbago ang lahat ng lumayas siya upang takasan ang sinasabi niyang "matandang hukluban na amoy lupa." Na dapat sana'y ipakakasal sa kaniya, na kahit sa panaginip ay hindi niya man lang kayang ilarawan ang mukha. Hanggang sa natagpuan niya na lang ang siriling nag aapply bilang isang kasambahay sa mansion ng napakagwapo ngunit ubod ng sungit na si Justine Cortes. Ang lalaking ni pagngiti ay hindi magawa. At halos isumpa ang lahat ng kaniyang ginagawa. Kaya kayang tumagal ng isang hacienderang seniorita ang maging yaya ng amoy baby at gwapo pero nuknukan ng sungit niyang alaga?
Romance
1088.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Mr Playboy Hot Wife

Mr Playboy Hot Wife

Si Samantha Gabrielle Garcia ay simpleng dalaga na ang kaniyang nais ay makahanap ng lalaking magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Matupad kaya ang kaniyang nais kong sa isang iglap lang siya ay ikinasal sa babaerong binata, Rem Ezekiel Cloud Mendoza. Magbabago kaya ang binata sa pamamagitan ng dalaga at may mabubuo kayang pag-iibigan sa kanilang pagsasama o puro pagtataksil? Makamit kaya ng dalaga kaya ang pag-ibig inaasam-asam kung ang binatang pinakasalan niya ay may anak ito sa dating nobya? “Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino.” —Samantha Gabrielle Garcia
Romance
1049.9K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Mistaken Identity

Mistaken Identity

Kahapon lang ay single pa siya. Ngunit ngayong araw na ito, magiging Mrs. Catherine Villanueva na siya. Pakiramdam niya ay nabudol-budol siya ng Daddy niya. Paano siya nitong napapayag makasal sa isang lalaking ni hindi man lang niya minahal. Bakit nga ba siya pumayag sa gustong mangyari ng Daddy niya porke’t iniyakan lang siya nito? Ngunit ang mas lalong nakakasindak, ipapakasal siya nito sa isang lalaking lantaran namang umamin sa kanya na isa itong member ng LGBTQIA community. Feeling tuloy niya, um-order lang ng mapapangasawa niya online ang Daddy niya, may defect pa. May defect dahil lalaki rin ang hilig nito at hindi babae. At no return, no exchange na pala ang kasunduang ito dahil legit ang marriage contract nilang dalawa. Hindi ito isang panaginip lang. Ngunit naisip niyang dahil lalaki rin ang type ng asawa niya, at least ay safe siya kasama nito. Malaya siyang makakapagbihis sa harapan nito at alam niyang kahit anong gawin niya, wala talagang mangyayari sa kanilang dalawa. Pero kung bakla ito bakit may girlfriend ito? At bakit, unti-unti, parang nakakaramdam na siya ng selos sa tuwing makikita niya ito kasama ng girlfriend nito? Hanggang isang araw ay makita niya ang asawa, not just one but two. Namamalikmata lang ba siya or sadyang may kakambal ito? Isang member ng LGBTQIA community na si Anthony. At isang lalaking-lalaki na si Andy. Pero kanino sa dalawang ito ba siya talaga ikinasal?
Romance
1094.5K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
123456
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status