BAKIT NGA BA MAHAL KITA?
NIKKYOCTAVIANO
Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa.
Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito.
Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa.
Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na.
Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
104.4K viewsOngoing