A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother
Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza.
Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang.
Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban.
Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan.
Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera.
Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran.
Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?