The Lesbian Bride
"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita."
Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga.
Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo.
Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya.
Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata.
Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang.
Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae?
May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?
11 viewsOngoing