To love or To kill
Dalawang taong anibersaryo ng mag-asawang Dindo at Annabelle, pinaghanda ni Annabelle ang asawa ng mga paborito nitong pagkain upang kanilang pagsaluhan. Gabi na noon at wala pa rin ang asawa niya, matiyaga siyang naghintay hanggang sa umuwi itong lasing, labis-labis ang pagkainis niya sa asawa sapagkat hindi nito naalala ang mahalagang okasyon ng kanilang pagsasama. Hindi niya inasahan ang pangyayaring bumago sa takbo ng kanilang pagmamahalan. Napagtanto ni Annabelle na mayroong kerida ang kaniyang asawa at ito'y inamin din naman nito sa kaniya. Nang gabing iyon ay pinahirapan siya nito, niyurakan ang kaniyang pagkababae at dangal. Kinulong siya nito sa loob ng basement. Akala niya ay doon na siya mamalagi nang mahabang panahon ngunit sa kabutihan palad ay nakaligtas siya mula sa madilim na basement na iyon sa tulong ng kaniyang pinsan na si Slyvia.
Lumipas ang isang taon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Annabelle ang masalimuot na pangyayari ng kaniyang buhay sa kamay ng dating asawa. Sa isang grocery store ay nagtagpo ang landas nilang mag-asawa kasama ang kabit nitong si Carla, walang kaalam-alam ito na kaharap na pala nito ang asawa ni Dindo.
Hindi naglaon ay bumaliktad ang mundo nina Dindo at Annabelle matapos pumayag ni Dindo na maging drayber ng dating asawa.
Nakilala rin ni Annabelle si Mr. Khou at nahumaling ito sa kaniya. Kitang-kita ni Annabelle ang pagngingitngit ng dating asawa kaya naman sinamantala niya ito. Umaayon ang takbo ng panahon sa kaniyang mga binabalak para sa dating asawa.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ay nais lang naman ni Annabelle na makapaghiganti sa kaniyang asawa dahil sa madilim na karanasan niya rito na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang kauna-unahang baby.
Makakayanan bang mahalin muli ang taong nakapanakit sa iyo? O handa mong dungisan ang iyong mga kamay para makapaghiganti sa kaniya?
101.5K DibacaOngoing