EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET
itsmeaze
Si Arielle Natividad o mas kilala bilang AGENT RED, ay isang miyembro ng JUSTICE CREED. Ang samahang kinabibilangan niya ay konektado sa mga Government Agencies na nagpapatupad ng kaayusan sa bansa kagaya ng mga Police at NBI Agents.
Dahil sa pagiging mainipin nito ay muntikan ng mapahamak ang mga kasama niya sa isang mission. Kaya napagpasiyahan ng mga nasa higher ups na bigyan siya ng sariling mission bilang parusa—EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET.
Nagpanggap siya bilang tatanga-tanga na babae. Sa pagpapanggap na iyon ay nalaman niya ang natatagong pag-uugali ng lalaki—ni Ace Raiden Benedict. Mailap at masungit ito ayon sa deskripsiyon ng iba ngunit para sa kaniya, ang lalaki ay isang arogante at mahilig makipagbangayan sa kaniya.
Ano kaya ang mangyayari sa kaniyang mission? Ano nga ba ang itinatago na sekreto ng bilyonaryong lalaki?