Unfortunate Hookups and Romance
Si Xerxes Santillan III o mas kilala bilang Tres ay isang magaling na CEO sa mismong family business nila. Kilala ang kanilang kompaniya sa bansa at halos lahat sa kaniya ay perpekto. Mabait, guwapo at supportive.
Maliban do'n, maganda ang kaniyang buhay, at may maganda ring singer na girlfriend. Ngunit sa kabila ng perpekto niyang buhay ay hindi pa rin niya mapapayag ang babaeng minamahal sa isang kasal. Parati na lang siyang naghihintay at sumusuporta sa mga pangarap nito.
"Babe, please give me one more chance. I'll make sure na after nitong crusade performance ko sa Italy, ay magpapakasal na tayo." sabi nito sa kaniya sa ika-apat na proposal niya kay Lian. Tinakbuhan lang naman siya nito at walang sabi na umalis patungong airport.
"Pero ang sabi mo, after ng concert mo sa Paris ay sasagutin mo na ako." giit niya, pero hindi niya pinaalam na galit siya at dismayado.
"I'm sorry, babe. Babawi ako sa'yo after, okay?"
Kung kailan nakahanda na ang lahat ay saka naman ito aalis bigla. Mahal niya ito, kaya kahit anong pilit niya, kung mahal din nito ang pangarap nito, ay wala siyang ibang magagawa kundi ang mahalin rin ang pangarap nito.
Sa kaparehong araw, namamalayan na lang ni Travis na kasal na siya at nagising sa isang kama na may kayakapan na ibang babae at walang saplot.
Ano kaya ang magiging love story ni Travis, gayo'ng nagtaksil na siya sa kaniyang nobya?
107.5K viewsCompleted