Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle
Sa mismong araw ng kanilang kasal, imbes na sa harap ng altar, ay sa presinto dinala ng kanyang mapapangasawa si Irene Casareo upang pagbintangan sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Doon din niya nalaman ang pagta-traydor nito sa kanya kasama ang stepsister nito. Baon ang galit at poot, ay tatlong taon niyang tiniis ang pagdurusa sa loob ng kulungan.
Sa kanyang paglaya, hindi pa man siya nagtatagal sa labas, ay nasuong na siya sa isang madugong engkwentro. Doon niya nakilala si Kristoff Montecillo; isang makapangyarihang lalaki mula sa underworld, at tiyuhin ng ex-fiancee niyang si Dave Montecillo. Niligtas siya nito mula sa mga armadong lalaki, at bilang kabayaran ay niyanig nito ang mundo niya sa pamamagitan ng isang halik. Ang lalaki rin ang naging daan kung bakit nailigtas ang puri niya mula sa matandang huklubang nais kumuha ng kanyang pagkabirhen.
Ngayong may utang na loob na siya kay Kristoff, papayag ba siyang maging fiancee nito kapalit ng ilang ulit na pagliligtas nito sa kanya? O, papayag siya upang gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nakapanakit sa kanya?