Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.
Steven Zabala
Matapos mamatay ang tanyag niyang amang si Elias Y. Alison, kilala bilang isang magaling na paranormal expert sa bansa. Ipinasa kay Entice Y. Alison ang responsiblidad na ituloy ang tradisyon ng kanilang pamilya sa pagtataboy at pagpuksa ng mga masasamang espiritu.
Ngunit sa kawalan niya ng kakayahan makakita ng mga hindi nakikita ng normal na tao, naging isa siyang "parang normal lang expert" kung saan nang loloko siya ng mga tao para sa pera. Hanggang sa isang chinese family ang nakabisto sa kanilang modus kaya ngayon nabaon sila sa utang na 200 Million.
Dahil sa utang na iyon napilitan siya pumunta sa isang sinumpang Haunted Mansion kung saan niya makikilala si Acezekiel Asmodeus, isang Incubus na nag alok sa kanya ng isang deal, deal kung saan ipapagamit ni EYA ang katawan niya kay Acezekiel kapalit ng pag kalaban nito sa mga kaluluwang kailangan niyang mapuksa.
Maibalik kaya ni EYA ang reputasyong nasira niya at paano niya mababayaran ang 200 million na utang niya?