Loving The Lost Billionaire
Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal.
Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba.
Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito.
Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure.
Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
1019.9K viewsCompleted