Sold To The Alluring Billionaire
seyulwi
Living alone was hard for Kestrel being a working student. Kailangan niya ng pera upang masustentuhan ang sariling mga pangangailangan. Kahit mahirap at nahihirapan siya. He wants to live independently. He wants to stand alone by his own feet. Ayaw na niyang umasa sa magulang dahil may mga kanya-kanyang pamilya ang mga ito. Ayaw niyang umasa sa mga ito dahil kung ano-ano ang naririnig niya sa mga anak ng magulang niya. Kestrel was a fruit of a forbidden love kaya ganon na lamang siya kamuhian ng dapat ay pamilya niya. That's why he decided to live alone even if it's hard.
One night, after his shift, Kestrel decided to walk his way home pero may mga lalaking nakaitim ang humarang at dinakip siya. Sinubukan niyang magpumiglas at humingi ng tulong sa paraan ng pagsigaw ngunit pinatulog lamang siya ng mga ito at ipinasok sa van. Nagising na lamang siya sa isang hindi pamilyar na lugar at suot ang bagong damit. He's in a lady’s gown and heels. Ang hanggang balikat niyang buhok ay nakalugay na. At ang mga paa't kamay na nakagapos at bibig na may tela. Kaba, takot at gutom ang nararamdaman ni Kest. Nang lumiwanag ang paligid, doon niya nalamang nasa isang auction house siya at pinakilala na siya bilang isang rare item hanggang sa nagsimula ang bidding.
Habang pataas ng pataas ang bid ay siyang pagtaas ng kanyang kaba at takot. Napalinga-linga siya at biglang tumama ang paningin niya sa lalaking may gintong maskara na nakaupo sa isang sulok. Nagmamakaawa niya itong tiningnan. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. He's so desperate to get away from that house.
Will that guy wearing golden mask help him? Makakaalis kaya siya sa auction? Mababalik pa kaya ang tahimik niyang buhay? Sino ang lalaking may gintong maskara?