Meant to be Yours
“Yes, I can be your husband Tracy, pero huwag kang umasa na mamahalin pa rin kita kagaya noon.”
Isang malaking panlulumo ang naramdaman ni Tracy nang marinig ang mga mabibigat na katagang iyon ni Fien. Patuloy siyang nasasaktan sa pagiging cold at pagkagalit nito sa kanya. Dati, isang malaking balakid sa pagmamahalan nila noon ang malayong agwat ng pamumuhay nila sa isa’t isa. At ngayong nakaapak na rin ang paa niya sa alapaap na kinaroroonan nito, isang malaking hamon sa kanya kung paano niya ito mapapaibig muli.
Sa bagong mundo na mayroon siya, makakamtam pa rin kaya niya ang inaasam na totoong pag-ibig? O mananatiling pangarap pa rin kagaya noong hindi pa nagbabago ang takbo ng buhay niya?