The Billionaire's False Secretary
Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso.
Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo.
Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang.
Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo.
Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon.
Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya.
Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito.
Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
101.5K viewsOngoing