Loved and Chained
A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him?
Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala.
Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama.
Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon.
Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya.
Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito.
Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip.
Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya.
Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
1011.3K viewsCompleted