The World of A Marriage Life
Ang sabi nga nila na ang kasal raw ay isang sagrado at napakahalagang natatanging sakramentong bagay na minsan lang kung mangyari sa buong buhay ng isang babae at lalaki.
Nagbubuklod ito sa dalawang taong nagmamahalan na handa nang bumuo ng sarili nilang pamilya. Pero ano nga ba ang mga katangian na kinakailangan para mas maging matatag ang pagsasama ng dalawang tao?
Pagmamahal, tiwala at respeto.
Pero papaano kung mawala ang isa sa mga ito? Mapapanatili pa rin ba kaya ang dating pagmamahalan ng dalawang tao, kung unti-unti nang nawawala ang respeto at tiwala nila sa isa't isa?
"NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawa niyang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha.
"Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Hindi na ikaw ang dating babaeng nakilala ko, Snow. Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot sa kanya ni Dalton.
Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan nilang dalawa? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
May pag-asa pa kayang mahahanap nila sa kaibuturan ng kanilang mga puso ang kapatawaran sa isa't isa.
97 viewsOngoing