THE LINK
Chi Jads
Isa lamang ang nais makamit ni Saxira at iyon ay ang mahanap niya ang pumatay sa kaniyang lola matagal na panahon na ang nakalilipas. Siya ay mayroong espesyal na kakayahan at iyon ay ang nakikita niya ang mga taong mamamatay sa pamamagitan ng kaniyang mga panaginip. Bukod pa rito, nakikita rin niya ang mga sundo ng kamatayan o tinatawag na soul reapers.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang cold at masungit na soul reaper na si Xyu.
Isang link na sumpa ang nag-uugnay sa kanilang pandama. Dahil sa sumpang ito, nag-desisyon sila na humanap ng paraan kung paano ito mapuputol ngunit ito pala ay magiging susi upang matuklasan ang mga krimeng naganap ilang taon na ang nakalilipas.
Isang mapait na krimen na magbibigay linaw sa kanilang tunay na pagkatao.
Sino nga ba talaga sila at ano ang kanilang nakaraan sa likod ng krimen na kanilang matutuklasan?