MY ASSASSIN WIFE
Pahayag ng May-akda:
Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang, kung may mga pangalan, lugar o taong magkatulad sa bida nitong kwento ay hindi sinasadya. -May-akda: Inday Stories.
Sky POV
HABANG. Habang nasa loob ako sa aking silid ay paulit-ulit kong pinanood ang mga videos ng aking pamilya. Kung may makakita lang sa akin ay sasabihin 'para kang baliw' dahil tumatawa at umiiyak habang pinanood ko itong mag-isa.
"Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" sabi ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sila.
Sariwa pa rin sa aking isipan kung paano sila namatay na wala akong magawa. Hanggang natapos ang pinanood ko saka ko naman kinuha ang isang memory card may nakadikit na maliit na papel 'TRUE IDENTITY' -dahil sa aking curiosity ay agad ko itong sinalang sa aking laptop upang mapanood ko ang laman dito.
"Anak, kung napanood mo ito ay siguradong may masamang nangyayari sa aming ng Mama mo. Kung sakaling may taong maghahanap o magtatanong kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia, ayaw kong matulad ka naming na maraming napatay na tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin anak. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon na kinabibilangan ko. Isa ako anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon, naging hadlang ang iyong Lolo ama ng iyong Ina kung kaya't nagtago kami at bumaba ako bilang isang Mafia prince upang mamuhay nang simpleng mamamayan ganoon rin ang iyong Ina.
8.29.2K viewsOngoing