The Cold Billionaire's Ex-Wife
Buong akala ni Amara, dahil sa mabait at mabuti siyang asawa ay makukuntento sa kaniya ang kaniyang asawa, ngunit sa kabila ng pagiging isang mabuting asawa nito ay nagawa pa rin siyang lokohin at paulit-ulit na saktan at patayin ang puso ng kaniyang pinakamamahal na asawa.
Pinag tagpo ng tadhan ang landas ng dalawa sa isang sikat na Unibersidad sa sa kalakhang Maynila at pareho silang nag-aaral bilang College student. Si Amara ay transferee na freshman, habang in-coming graduated student naman si Andrew na heartthrob sa campus at kilalang numero unong playboy at mapag laro ng damdamin ng babae.
Dahil na rin sa nababalitaan ni Amara sa ibang kapwa mag-aaral tungkol kay Andrew, pinangako niya sa sarili na hinding hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking 'yon.
Kaya naman sa tuwing nakakasalubong niya ang lalaki para na lang siyang sinisilaban sa galit kaya parati niyang binabara ang lalaki at walang araw na dadaan na hindi sila magba bangayan.
Hindi rin maintindihan ni Andrew kung bakit ganoon ang dalaga sa kaniya sa tuwing magkikita sila sa hallway o kahit saang parte ng paaralan. Para siyang dragona na magbubuga ng apoy ng anumang oras, pero sa iba napaka bait ng pakikitungo nito, taliwas ng pinapakita nitong ugali sa kaniya. Parati itong naka singhal at kino kontra ang mga gusto niya.
Ngunit sakabila ng lahat naging masigasig sa panliligaw si Andrew sa dalaga, sa kabila ng lahat pinakita niya at pinatunayan sa babae na karapat dapat siya dito ngunit sadyang mailap talaga ito sa kaniya. Hanggang sa nag bunga ang panunuyo nito at nakuha ang matamis na OO nito.
Ngunit ang masayang pagsasama ng dalawa ay may ka akibat na kalungkutan. Sa pagpasok ni Madison, ano kayang papel nito sa buhay nila. Siya ba ay isang kaibigan o mortal na karibal???
107.1K DibacaCompleted