UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO
Si Xavier Echiverri ay isang napaka-cold, matangkad, napakagwapong bachelor at perfectionist na CEO ng Heaven Shipping Inc.. Siya ang perpektong halimbawa ng isang CEO na parang refrigerator— ‘di basta-basta lumalambot, kahit sa harap ng mga magagandang empleyada. Para sa kanya, ang pag-ibig? Wala sa business plan! Ngunit ang tahimik niyang opisina ay biglang nagka-brownout sa presensya ng bagong empleyada, si Antonette Pinagpala.
Si Antonette ay maganda, sexy, at mabait, ngunit isang certified walking disaster! Palaging may natatapong kape (karaniwan ay kay Xavier pa!), nalalaglag na folders, at minsan, siya mismo ang natutumba! Pero kahit laging epic fail, hindi siya nawawalan ng ngiti o ng lakas ng loob na bumati ng, “Good morning, Sir!” kahit na obvious na bad trip si Xavier sa mga bloopers niya.
Ang akala ni Xavier, matutuyot siya sa stress ng mga epic fails ni Antonette. Pero sa bawat engot niyang hakbang, natatawa siya—sa umpisa, pilit na tawa lang; kalaunan, hindi niya na mapigilan ang tawang natural na natural. At unti-unti, nadidiskubre niyang ang “perfectionist” niyang puso ay kayang pakiligin ng isang disaster queen na gaya ni Antonette. Ngunit sa gitna ng kanilang nakakakilig na harutan, biglang lumitaw ang matagal nang nakalimutang bahagi ng buhay ni Xavier—si Isabella Maharlika, ang ex-fiancee niyang iniwan siya sa mismong araw ng kasal! At ngayon, bumalik siya upang kunin ang atensyon at pagmamahal ni Xavier, na tila nais niyang mabawi mula kay Antonette.
Kaya ba niyang isantabi ang kanyang prinsipyo na "business-only" para sa masaya at nakakakilig na buhay kasama si Antonette?Pero kung magkakaalaman na ang lahat, sino nga ba ang pipiliin ni Xavier—Si Isabella o Siya?-ang perpektong pagmamahalan na minsan nang nagtapos, o ang bagong love story na puno ng epic fails pero walang kapantay na saya?
10331 viewsOngoing